8:Don't leave you soul down there.

1.3K 54 5
                                    

【★★★】

"Hello," wika ng maliit na nilalang na iyon. Muli nitong isinubo ang hawak nitong chocolate bar na halos maubos sa ginawa nitong pagkagat.

"Gusto n'yo?" nakangiting tanong pa nito sa amin ng mapansin ng kappang titig na titig kami sa hawak niya. Ngunit dagli rin namang isinubo nito ang huling kagat ng bar saka muling bumaling sa amin."..kaso ubos na."

Hintakot namang nagtago si Everdeen sa likuran ko."Anong klaseng nilalang 'yan?" mahina nitong tanong.

Tanging sa imperyo lang ng Edo-Chosen makikita ang mga kappa. At dahil sa malayo ang nasyong kinabibilangan ni Everdeen sa Edo-Chosen, malamang ngayon lamang ito nakakita ng kappa.

"Isa yang kappa. Mga nilalang na naninirahan sa mga tubigan ng Edo-Chosen ." maikli at mahinang paliwanag ko rito.

"Bakit nandito 'yan sa academy? Isa ba yang panauhin ng Headmistress.?" tanong muli ni Everdeen.

Umiling ako. Kahit ako nagtataka kung bakit may isang kappa ang pagala-gala sa loob ng academy.

Isang pagkislap ang biglang pumutol sa aking pag-iisip. Nagmumula iyon sa suot na ginituang kwintas ng kappa na aksidenteng natamaan ng sikat ng araw mula sa naging transparent na dingding ng elevator. Nasa mataas na bahagi na kami ng kastilyo kung saan malayang nakakapasok ang sikat ng araw mula sa naging transparent na wall ng elevator.

"Isang royal kappa." wala sa loob kong sambit. Mula kasi sa kwintas ng kappa nakita ko ang isang royal crest sa pendant ng kwintas.

"Royal kappa? Ibig sabihin isang royalty ang isang 'yan?" di makapaniwalang sabi ni Everdeen na narinig pala ang sinabi ko.

"Base sa royal crest sa pendant nito malamang isa nga yang royalty." pagsang-ayon ko sa sinabi ni Everdeen."at malamang isa rin 'yang royal guardian."

"What?!?!" impit na impit na tanong ni Everdeen sa akin." I mean how. Kung titignan kasi napakahina n'yan para maging isang guardian slash protector ng isang royalty knowing na dapat malakas ang mga guardian like Zharptitsa." bahagya pang namula ang pisngi nito pagbanggit sa pangalan ng Phoenix.

"Wala ako walang idea, Everdeen. Pero isa lang ang sigurado, may isa pang maharlika ang nasa academy ngayon bukod sa nakasalubong natin sa bulwagan."

May kung anong pagdududa ang sa ngayo'y sumasagi sa isipan ko . Hindi maaaring nagkataon lang na naririto ang ilang mahaharlikang tao sa Earthicus. May hindi tama sa nangyayari. At iyon ang aalamin ko pag akyat namin sa opisina ng Headmistress.

Nasa tagpong iyon ng aking pag-iisip ng biglang huminto ang elevator unti-unti'y muli itong umandar. Naramdaman kong pahorizontal na ang takbo nito.

"Meiji may dala ka bang supot?" pagkaraa'y tanong ni Everdeen. Batid nito na nasa komplikadong daanan na kami ng elevator.

Awtomatiko naman akong nagtanggal ng school shoes ko at hinugot ang aking itim na medyas sa aking paa. Iwinagayway ko pa ito sa kanyang harapan dahilan para mapangiwi ito na tila nandidiri. " May choice ka?" nanunuya kong tanong dito nang di maalis-alis ang pagkakangiwi nito."Wag kang mag-alala, bagong laba naman yan. Last week." tuluyan na akong natawa sa reaksyon nitong di na maipinta ang pagkakangiwi. Nahinto naman ako sa aking malakas na pagtawa ng marinig ko ang isang epal na sumasabay sa aking pagtawa.

Mas malakas pang tumawa sa akin ang kappa. Malakas at matinis itong humahagalpak ng tawa, napapayukod pa paminsan-minsan sapo pa ang dibdib at mangiyak-ngiyak na sa galak.

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now