13:Finding The Mischievous One

1.2K 47 6
                                    

【★★★】

"Meiji, anak."

"Meiji, halika dito."

Mula kung saan may naririnig akong isang malamyos na boses ng isang babae at isang pang boses ng lalaki.

"Meiji, halika, buksan mo ang pinto. Nandito lang kami sa likod ng pinto. Buksan mo ang pinto, anak....."

"Mama? Papa?"

Batid kong boses iyon ng Mama at Papa ko.

Nagpalinga-linga ako ngunit di ko sila nakikita. Tanging ang kadiliman lang ang nasa aking paligid.

"Ang mama mo nga ito, anak. Buksan mo ang pinto. Kasama ko ang papa mo, ang lola mo, ang mga auntie and uncle mo, ang buong angkan natin ,anak....."

"Mama...!"

"Meiji, ang papa mo ito. Hindi ba't matagal mo ng nais kaming makasama kaya buksan mo na ang pinto, anak....."

"Papa...!"

Sa kung saan, unti unti kong naaninag ang isang higanteng tarangkahan.

"Mama! Papa!"

Nakita ko na lang ang sarili kong humahangos na tumatakbo papunta sa isang higanteng tarangkahan.

"Meiji, apo..... Buksan mo ang pinto. Miss na miss ka na namin....."

"Granmama! Miss na miss ko na rin po kayong lahat!"  at lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ng ang boses naman ni Grandmama ang narinig ko.

Sa puntong iyon, tuluyan ng umagos ang aking mga luha habang tinatakbo ang layo ng higanteng tarangkahan mula sa aking kinaroroonan.

Sa bawat pagtakbo ko ay s'yang pagbulahaw ng tubig sa sahig ng aking tinatakbuhan. Tila isang lawa ang aking tinatakbuhan.

"Meiji...."

"Meiji...."

"Meiji...."

"Meiji...."

Paulit-ulit na tawag ng mga boses sa likod ng tarangkahang iyon. Tila umaalingawngaw ang mga iyon sa aking pandinig.

Ilang sandali pa ay narating ko rin sa wakas ang tarangkahan.

"Meiji..."

"Meiji...."

"Meiji...."

Paulit-ulit ang mga boses na iyon sa pagtawag sa aking pangalan kasabay rin ang nakakabinging mabilis na pagtibok ng aking puso.

Hinawakan ko ang dalawang seradura ng tarangkahan.

"Meiji, anak. Buksan mo na...."

"Meiji, buksan mo na..."

"Meiji...."

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now