44: The Last Resort

517 35 2
                                    

Bahagi na ng curriculum ng Adamwoods Academy for Witchery and Wizardy ang pagtuturo ng Magus Medicina. Dito pinag-aaralan ng mga estudyante ang mga medical na paraan para sumuri at gamutin ang isang sakit. Maaring ito'y may tulong mahikal o kaya'y sa teknikal na pamamaraan.

At bilang nasa fifth level na si Meiji ng Witchery, ang kaalaman ng dalaga'y sumasapat na para magsuri at tumuklas ng lunas sa anumang sakit. Maari ngang hindi siya medicus witch ngunit ang kakayahan niya sa panggagamot ay tila ba kapantay na rin ng isang tunay na alagad ng Magus Medicina.

Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa silid ni Diana ay rinig na niya ang malakas na pagtangis ng isang babae mula sa loob. At nang makapasok ay naabutan niya ang ilang healer na satyr at centaur na pawang mga nakataas ang mga kamay habang nakapalibot sa naghihingalong si Diana. Kasama rin ng mga ito ang matandang babaylan.

May kung anong liwanag ang lumalabas sa mga kamay ng mga ito at ang liwanag na iyon ay tila ba pumapasok kay Diana.

Habang nadaan naman niya ang ina ng prinsipe at ni Diana kasama ang isang babaeng tao. Tumatangis ito para sa anak na babae na sa ngayo'y nakikipaglaban sa kamatayan.

"Tatagan mo ang loob mo Regina. Makakayanan din ito ng anak mo," ang pag-aalong ani ng katabing babae ng ina ni Diana bagaman batid din nito ang katotohanang maaaring hindi na rin magtagal ang batang centaur.

Napailing na lang si Meiji.

Marahil kahit na batid na naman ng ina ng batang centaur ang posibilidad na mamatay ito, bilang isang ina masakit pa rin iyon.

Wala naman sigurong magulang ang nanaising mamatay sa harapan niya ang kanyang anak.

Ngunit wala na itong magagawa pa. Tila ba napagpasyahan na ang tadhana ng batang centaur.

Ang mamatay sa di malamang sakit.

Nagdulot din ang isiping iyon ng pait kay Meiji. Wala siyang kapatid pero alam niya ang pakiramdaman na makita ang mahal sa buhay na tila ba itinakda ng mamatay ng walang kalaban-laban sa tadhana nito habang siya nama'y wala ring magawa.

Masakit iyon. Walang kapantay na sakit.

Tumayo lamang siya sa isang tabi habang pinapanood ang tradisyunal at makalumang paraan ng panggagamot na kasalukuyang ginagawa ng matandang babaylan, sampu ng iba pang healer centur.

Vivificum traductio o live giving transmission ang tawag sa ginagawang iyon ng mga healer. Isang encantation ritual kung saan nagbibigay ng élan vital (life force) ang mga healer para mapahaba ang buhay o mapagaling ang isang maysakit. Isa itong makalumang pamamaraan ng panggagamot na malimit na ring gamitin ng mga medicus warlocks sa panahon ngayon. Bukod kasi sa nakakaubos ito ng enerhiya sa mga gumagawa, itinuturing rin ito isang sacrificing encantations dahil buhay naman ng nga healer ang nalalagay sa panganib kaya naman hindi na ito ipinapayong gamitin.

Gayunpaman, epektibo naman ito. Nadudugtungan ang buhay o di kaya'y napapagaling naman nito ang mga maysakit pero sa kaso ni Diana mukhang malabo. Masyado nang malala ang sakit nito dahilan para hindi na ito mapagaling pa ng Vivificum Traductio.

Dumaan pa ang ilang minuto na tulad na rin ng inaasahan, isang healer ang bigla na natumba sa pagkakatayo, sumunod ang isa pa. At bago pa man mangyaring madrain ang kanilang mga sariling élan vital, sumenyas na ang babaylan dahilan para huminto ang iba pang healer. Hapong-hapo silang tumigil habang nakatingin sa kaawa-awang lagay ng prinsesa. Nagnormal na naman ang paghinga ng batang centaur pero nandun pa rin ang madiing paghawak sa dibdib nito.

Napailing na lamang ang babaylan na tila ba senyales ng pagsuko. Bahagya pa itong napaupo matapos nitong itigil ang Vivificum Traductio. Habang lungkot naman ang maaaninag sa mga mata ng babaylan habang nakakatitig sa batang centaur. Awang-awa siya sa bata ngunit hanggang dito na lang ang magagawa niya para sa batang centaur. Batid niyang hindi na ito magtatagal.

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now