49: A Night Of Countdown

607 40 4
                                    

(Few minutes earlier....at the Academy).

"10!"

"9!"

"8!"

"7!"

"6!"

Nakakabingi ang countdown na ginagawa ng mga estudyante ng Academy sa kalawakan ng colosseum kung saan sila nagkakatipon-tipon para salubungin ang mga kalahok na estudyante sa naganap na companion hunting sa kagubatan ng Vetus Draco. Naririto ang lahat mula sa mga propesor hanggang sa Headmistress at ilan pang nilalang na nais din sumalubong.

Tulad ng nakasanayan na taon-taon, sinasalubong ng buong Academy ang mga estudyanteng maswerteng nakatagpo ng kani-kanilang companion sa paghuhunt. Ngunit dahil sa locator pin ay naiba ng bahagya ang kanilang pangsalubong ngayong taon. Kung dati rati ay nagaganap ang pagsalubong sa mga pier o terminal, ngayon nga ay sa colosseum na ito mangyayari. Ang colosseum ng Academy ang magsisilbing designated location para i-teleport ang mga kalahok.

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

Kasabay ng pagtatapos ng countdown na 'yon ang pagsaboy  ng mga makukulay at nagliliwanag na mga confetti patungo sa kalawakan ng colosseum. Sinabayan rin iyon ng pagpalakpak, pagsigaw at pagpito mula sa iba' t ibang bahagi ng colosseum. Maging ang mga  companion ng mga estudyante ay nakikiisa sa pag-iingay. Hanggang sa isa-isa na ngang naiteleport sa gitna ng colosseum ang mga kalahok.  Sistematiko ang pagteteleport sa mga kalahok na nakabatay sa numerong nakalagay sa kanilang locator pin. At sa bawat paglitaw nila'y kaagad itong rumirehistro sa censor system ng Academy dahilan para awtomatikong mabanggit ang pangalan ng mga naiteleport na estudyante.

"Shannon Reed!"

Unang nai-teleport ang isang maliit na babae. Tulad ng inaasaha'y madusing ito at mukhang napasabak sa matinding labanan. Katabi nito ang isang metal ravager na malamang companion na ng babae. Umangil naman ang halimaw dahilan para dumagundong muli ang buong colosseum sa ingay ng mga estudyante.


Mabilis na lumipas ang interval na anim na minuto at sumunod namang nai-teleport ang isang payating lalaki. Tulad ng nauna'y puno rin ng dumi ang mukha nito at may mangilan-ngilang sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan kaya naman kaagad itong dinaluhan ng mga nakaantabay na medical warlocks. Gayunpaman, malalakas na hiyawan pa rin ang namayani sa buong colosseum dahil na rin sa nilalang na kasamang na-iteleport ng lalaki.

Nagtagal pa ang ganung eksena maging ang malalakas na hiyawan ng mga estudyante sa tuwing makikita nila ang mga nilalang na kasama ng mga kalahok na estudyante ngunit tila natatahimik naman sila kapag may mga kalahok na walang kasama pabalik. Sila yung mga kalahok na hindi pinalad mahanap ng companion sa paghuhunt.

Nagpatuloy pa ang nagaganap na pagsalubong hanggang sa dumako na nga sa mga huling kalahok.

Nasa ikatatlumpu't isang estudyante na ang na-iiteleport at dahil doo'y hindi na mapakali si Helena Sczharwavski sa kinauupuan. Pang ikatatlumpu't tatlo ang kapatid niya kaya naman excited at the same time kinakabahan siya para sa kapatid. Excited siya para sa nilalang na nahunt nito sa Vetus Draco. At kinakabahan naman dahil hindi niya alam kung anong mabubungaran niya oras na maiteleport na nga ang kapatid. Inaalala niyang baka nasugatan ito ng malala kaya dahil doon labis siyang kinakabahan. Masyado siyang overprotective sa kapatid at ayaw na ayaw niyang nasasaktan o nasusugatan man lang ito.

Gayunpaman, kahit paano'y panatag siya dahil sa  kabuuan ay tinupad naman ng kanyang kapatid ang naging tagubilin niya rito ayon na rin sa monitoring  na ginawa niya sa kapatid sa pamamagitan ng locator pin habang ito'y naroroon sa loob ng kagubatan. Hindi nga ito masyadong lumayo at ayon sa nakita niya sa monitoring system ay nanatili lang ito sa iisang lugar sa loob ng kagubatan. Pinagtakhan din naman iyon pero ipinagsawalang-bahala na lang niya. Pinagpalagay na lang niyang baka mabilis na nakahanap ang kapatid ng bagong magiging companion kapalit ng mga alaga nitong scarab na kinaayawan niya at pinili na nga lang nitong manatili sa isang lugar.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon