68: The Bureau

228 32 6
                                    

Ilang kuskos pa ang ginawa ni Meiji bago niya tinigilan ang pagpupunas sa itlog na inilagay niya sa isang post na may panconcave na dulo at may taas na halos kalahati ng taas niya. Nangiti pa siya nang makita ang sariling repleksyon sa makintab na'ng surface ng itlog.

Sa ngayon ay nasa sariling kwarto na siya kasama si Everdeen.

Habang inaayos ni Everdeen ang bedsheet sa kama niya ay ginugol naman ni Meiji ang oras sa pagpapakintab sa itlog ni Astrid. Sa ganong paraan kasi naiibsan ang pangungulila niya kay Astrid. Tahimik lang siya at napansin iyon ni Everdeen.

“ Baka naman mabasag na yan sa kakapunas mo, Meiji,” natatawang saad ni Everdeen maibsan man lang kahit paano ang katahimikan sa loob ng kwarto ng kaibigan. Nilingon naman siya ni Meiji pero binawi rin iyon.

“ Hindi madaling mabasag ang itlog ng mga dragon, Everdeen,” seryosong tugon ni Meiji.

“ Okay. Sabi mo eh,”

Hindi na nakipagtalo pa si Everdeen. Higit sa kanila, si Meiji lang ang may malawak na kaalaman tungkol sa dragon kaya wala na siyang say. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na mapagtatagumpayan nga ni Meiji na hindi lang makakakita kung hindi makakakuha pa isang itlog ng dragon. Tinawanan lang nila noon ang kaibigan  sa kagustuhan nitong magkadragon. Pero heto nga't naging katotohanan na ang obsesyon lang nito nuon.

Matapos mapaltan ang bedsheet ay ini-shoot na ni Everdeen ang pinagpaltang bedsheet sa laundry bag. Inayos na rin niya ang mga 'gifts' na natanggap ni Meiji mula sa kanila sa isang wooden chest. Kasama na rin doon ang mula kina Cainne, Na'bbu at Pierre na kakabisita lang kay Meiji kanina. May mga handog din ang mga ito matapos makita ni Na'bbu ang eksena kung saan inabot ni Maui at Kosuke kay JackGrey ang mga suhol. Ayaw lang nitong patalo sa tatlo. Inakala kasi ni Na'bbu na ang mga regalo ng tatlo ay  para makapuntos kay Meiji. Wala itong kaalam-alam na suhol talaga iyon para sa dalaga. Si Pierre at Cainne naman ay napilitan lang dahil naman sa pagmamayabang ni Na'bbu.

Napangiti naman si Everdeen nang makita ang regalo mula kay Cainne. Inalog pa niya para hulaan ang laman nito pero mabilis ding inilagay sa chest nang makarinig ng sunod-sunod na katok.

Napatayo si Everdeen at nagkatinginan sila ni Meiji.

“ May inaasahan ka pa bang bisita, Meiji?” usisa ni Everdeen.

Ang balitang nagising na si Meiji ay kumalat agad sa academy kaya simula nang nakabalik na ang dalaga sa sariling silid ay may mangilan-ngilan ding estudyante ang dumalaw sa kanya at kinamusta siya kanina.

Pero sa pagkakataong ito, mukha meron pa yatang di inaasahang bibisita.

Napataas lang ng balakat si Meiji at napailing. Sa totoo lang ay wala na siyang maisip na may nais na bumisita sa kanya. Hindi rin naman kasi siya ganoon kapopular sa mga estudyante.

Nang di tumigil ang pagkatok ay lumapit na si Everdeen sa pintuan. Tulog ang door bulter ni Meiji kaya naman si Everdeen na ang de manong nagbukas ng pinto.

Isang balisang Primrose ang kanilang nabungaran. Hindi pa man naibubukas ni Everdeen ng husto ang pinto ay nagmamadali na itong pumasok at lumapit kay Meiji.

“ Miss Meiji!” bakas kay Primrose ang pagmamadali sa kilos nito at tono.
“ Kailangan mo nang ilayo ang dragon's egg ngayon! Nandito ngayon sa academy ang mga taga—,”

“ Miss Pullen,”

Hindi na naipagpatuloy pa ni Primrose ang sasabihin dahil sa seryosong boses na narinig nila mula sa bukana ng pintuan.

Sabay-sabay pa silang napatingin sa nagmamay-ari ng boses na iyon.

“ Miss Minchan,” mahinang usal ni Everdeen nang makilala ang Miss. Nakaharang siya sa pinto kaya naman di napansin ni Meiji na may iba pang kasama ang Miss.

Mischievous Witchحيث تعيش القصص. اكتشف الآن