69: The Little Red Being

244 23 4
                                    

Walang napala ang pagpunta ng IMEE sa academy. Umalis din kaagad ang mga ito matapos ang tila pagpapakahiya nang makita ang nilalang na nilalaman ng itlog na nakareport sa kanila. Technically, hindi nila maaring kumpiskahin ang red gecko ni Meiji dahil wala naman ito sa mga classification ng mga pinagbabawal na companion. Inilagay na lamang nila sa kanilang job report na isa lamang prank ang nakuha nilang report. Marahil para pagtakpan na rin ang pagpapakahiya nila sa nangyari. Sumugod kasi sila sa academy nang wala naman palang basehan at magiging kasiraan iyon sa ahensya nila kapag nalaman ng iba.

Matapos ang eksena sa kwarto ni Meiji ay umalis na rin si Miss Minchan kaagad kasunod lang nang nawalk out na mga tagaIMEE. Ngunit bago umalis ay tinitigan muna nito si Meiji. Wala naman itong sinabi ngunit nag-iwan naman ng makahulugang tingin kay Meiji.

Nagtaka naman si Meiji. Bagaman nandun pa rin ang mabagsik nitong tingin ay somehow nakita niya sa mga mata nito ang kaunting saya habang nakatingin ito sa kanya. Ayaw namang mag-imagine ni Meiji o bigyan yon ng kahulugan kaya ipinagkibit-balikat lamang niya.

" Look guys, ang cute-cute niya diba?" nakangiting saad ni Meiji nang sila-sila na lamang ang nasa kwarto.

Ang mga nasa kwarto niya ngayon ay sina Everdeen, Primrose at ang limang prinsipe. Nang nalaman nina Kosuke at JackGrey na may dumating na mga tagaIMEE sa academy ay si Meiji at ang itlog ang agad pumasok sa isip nila na pakay ng nga tagaIMEE. At dahil kasama nilang dalawa ang tatlo pang prinsipe ay nakisama na rin ang mga ito pagpunta sa kwarto ni Meiji kanina. At dun nga nila nasaksihan ang eksena.

Napaismid naman si JackGrey sa sinabi ni Meiji. " Aasa-asa kami na isa yang-" napigil pa ni JackGrey ang sasabihin sana niya. Buti na lamang dahil wala pa ring kaalam-alam sina Na'bbu, Pierre at Cainne sa nalalaman nila tungkol sa dinalang itlog ni Meiji sa academy. Hindi naman napansin iyon ng tatlo kaya nagpalusot na lang si JackGrey "...na isa yang rare species ng amphibia reptalia pero we're wrong. Very wrong,"

Ni-emphasize pa ni JackGrey ang huling salitang sinabi pero hindi nagustuhan iyon ni Meiji.

" Yang mukha mo ang very wrong," saad ni Meiji. Hindi naman siya galit dahil alam naman niyang dismayado lang si JackGrey kaya nasabi niya 'yon. Gayunpaman, wala naman siyang paki sa opinyon nito.

Aaminin naman niyang pati siya ay nagulat at nagtaka nang unang niyang nakita ang gecko sa napisang itlog ngunit sa una ring pagkakataon na magtama ang kanilang mga mata ng munting nilalang ay nawala lahat ng confusion niya at napaltan iyon ng kakaibang kasiyahan. Kasiyahan na para bang sa unang pagkikita ay nainlove kaagad siya sa nilalang. Love at first sight kumbaga. Lalo pa nung narinig niya ang pag-angil nito ng mahina. Pag-angil na tila ba sa unang pagkakataon ay nakita nito ang kanyang ina.

"Ay, naku, Polbear ko. Kung mang-aasar ka lang din naman eh buti pa eh umalis na ka. Sama mo na rin sila," saad naman ni Primrose. Itinulak pa ng dalaga ang nobyo palabas ng pinto at sunod na pinalabas ang iba pang prinsipe. Sumunod naman ang iba pa maliban na lamang kay Kosuke na nagpaiwan pa.

" Anong nangyari?"

Sa tanong pa lang ni Kosuke ay alam na kaagad ni Meiji ang tinutukoy nito. Ang itlog at ang iniluwa nito. Napabuntong-hininga naman si Meiji.

" Ewan ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Kung bakit nagkaganon," sagot ni Meiji. Naguguluhan din siya at wala talaga siyang sagot pero saglit lang napangiti siya't muling kinarga ang munting nilalang." Hindi ko alam kung anong nangyari at wala na akong pakialam kung bakit ganon basta ang alam ko lang mahal ko na kaagad ang isang 'to."

Mula sa puso ang mga sinabing iyon ni Meiji at iyon ang nararamdaman niya. Nagtaas siya ng tingin saka tinignan si Kosuke. " At yun lang ang mahalaga sa akin ngayon,"

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now