1:First Hit

4.3K 112 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



“Meiji, sandali lang!” hingal na hingal na si Everdeen Posiatti kakahabol sa isang witch na nakasakay sa kanyang bagong imbensyon.

Para namang walang narinig ang witch na iyon dahil lalo lang nitong pinabilis ang pagpapalipad sa lift broomstick.


Ang totoo, naririnig naman ni Meiji Pullen ang pagtawag sa kanya ni Everdeen pero dahil na rin siguro sa adrenaline rush at excitement tila ba nilipad lang iyon ng hangin.

Pinasibad pa lalong ni Meiji ang kinasasakyang lift broomstick sa mahabang pasilyo ng kastilyo na tila ba hinahabol ng kung sino. Ang mga estudyante namang nakakasalubong niya ay dagli-dagling tumatabi.

Rinig na rinig ang excitement sa sigaw ng dalaga na lalo pang bumilis pagsapit sa kanto kung saan naman siya lumiko.

At sa pagliko n'yang iyon, huli na  bago pa niya napansin ang mga taong papasok pa lamang sa lobby ng academy. Napakabilis ng pagbulusok niya at sa wari ay hindi na niya mapipigilan pa ang pagsalpok sa mga papasok na panauhin.

Ngunit hindi pa man, isang malaking batong braso ang bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.

Marahil sa nakini-kinita na niya ang maaari niyang sapitin sa pagsalpok sa brasong bato, mabilis siyang bumigkas ng isang spell.

“ Beluga foamis!”

Isang lobong korteng beluga ang biglang lumabas sa kanyang harapan. Nasa pagitan niya ito at ng brasong bato. Pero di naging sapat ang lambot ng beluga para di n'ya maramdaman ang pagsalpok.

Naglaho ang beluga sa malakas na impact matapos niyang mapasalpok dito. Naout of balance s'ya sa lift at dire-diretsong nahulog sa sahig.


“ Miss Pullen!” isang malakas at galit na boses ang naulinigan nila na mula sa isang babaeng kakarating pa lamang.  Nanlilisik ang mata nito at mahigpit na nakakuyom ang mga palad habang nagmamartsa palapit kay Meiji.


“Miss Pullen! Ano na namang kalokohan ito?!” nanggagalaiting nitong sigaw nang makalapit ito sa kanya. “Hindi ka na nahiya sa mga bisita! At ngayon mo pa talaga naisipang gumawa ng kalokohan! Magmabilis ka!...tumayo ka riyan!”

Pinilit ni Meiji na tumayo ngunit bigla na lang siyang napakangiwit sa sakit at muling napaupo. "Aray! Miss Minchan mukha po yatang nabali ang tadyang ko! Aray” napahawak siya sa sariling balakang at marahang hinamas iyon. Ramdam na ramdam niya ang sakit dahil sa pagkakahulog sa lift.


“ Miss Pullen, nakapag-astral spell ka pa kanina kaya di mo ako maloloko! Tumayo ka na dyan! Bilisan mo bago ko pa gawing tadyang ng palaka yang balakang mo!” nakita rin pala nito ang pagkumpas niya kanina ng kamay ng mag-astral spell siya.


Isa itong spell kung saan
panandaliang nawawalay ang astral spirit n'ya sa kanyang katawan. Ginagamit ito para di lubos na maramdaman ang sakit na dulot ng pagkakasalpok.


Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon