16:The Polar Bear Couple

1K 42 0
                                    

【★★★】

"Isu...susumbong ki-kita k-kay L-lady Me-Meiji....huuuwaaaaa!...Sa-sabihin ko away mo a-ako...!!! Huuwaaa!!! B-bad ka na nga, panget ka pa!"


Nagising ako sa nakakarinding pag-atungal ni Dorothy. Mukhang may kaaway na naman ito sa labas ng aking kwarto.

Nagtaktob lang ako ng unan sa aking tenga saka bumalik sa pagtulog. Masyado pang maaga para bumangon.

Kung sino man ang kaaway ng aking door butlet wala akong paki. Napagod ako sa byahe namin ng Headmistress kahapon kaya siguro naman deserve ko namang magpahinga.

"Mga bad kayo! Pati kayo mga kuyang pogi..bad! Bleeh!...kahit anong gawin n'yo di kayo papasukin! Tulog pa si Lady Meiji!...at bilin n'ya sa akin na kapag tulog pa s'ya walang sinuman ang maaaring pumasok sa kwalto n'ya! Kaya belat na lang!"

Yan naman ang gusto ko sa door butler ko, masunurin sa mga binibilin ko nga lang nakakairita talaga ang pag-atungal nito kaya naman madalas silang mag-away ni Everdeen.

"Ehh! Ikaw nga dyan ang panget! Liit-liit mo pelo may kaldelo ka pa sa ulo mo!" mukhang matindi ang kaaway ni Dorothy sa labas. Nagagawa na kasi nitong pintasan ang kaaway n'ya at alam ko na kapag ganito na sukdulan na nitong pipintasan ang buong katauhan ng kaaway.

"Huuwaaa! Panget!....huuwaaaaa!!!!! Panget!"

Pero sa huli, ito pa rin ang aatungal sa pag-iyak.

"Damn!" malakas kong ibinalibag ang hawak kong unan at itinapon iyon sa aking paanan. Dahil sa ingay ni Dorothy di ko na magawang bumalik sa pagtulog. Sound-proof ang kwarto ko kaya di ko rinig ang boses ng mga kaaway ni Dorothy. Tanging ang nakakatulilig lang nitong boses ang aking naririnig bilang bahagi siya ng aking kwarto.

"Sino ba naman kasi 'yang mga 'yan? Ang aga-aga pa para mambulahaw. Alas singko palang ng umaga! Di hindi pa nga tumitilaok ang mga tandang ni Tandang Dorfus!" sabi ko sa sarili ko habang iniaangat ang aking bell clock para sipatin ang oras. Kaya naman napilitan na akong bumangon."Badtrip!"

Padaskol akong tumayo at marahas na isinuot ang aking house slippers saka nagmartsa papunta sa maingay na pintuan. Sandali pa akong napatingin sa life-size mirror na nakasabit malapit sa pinto.

Magulo ang nagkukulay-asul kong buhok. Saglit ko lang itong sinuklay ng aking kamay pero ng matapos ko itong suklayan bumalik lang din ito sa pagiging magulo kaya hinayaan ko na lang. Hindi nga pala ako nakapaglagay ng anti-frizzy serum kaya ng hinangin kahapon, ayun nagtikwasan at ngayon ay nagrerebelde na kapag sinusuklayan.

At dahil nga sa pagod ko, matapos kong magevening bath kahapon, basta lang ako humugot ng kung anong pwedeng ipantulog sa aking wardrobe. Kaya naman isang black oversize t-shirt na may print ng isang famous forest guardian, si Tororo at isang maluwag na black below-the-knee short ang suot ko ngayon.

Hindi ko na rin inabala ang sariling alisin ang lahat ng namuong dried tears (muta) sa aking mata sa halip kinuha ko ang isang round black-tinted eye glasses at isinuot iyon. Tamang-tama lang ito di lang para takpan ang mga natirang muta sa mata ko kundi para na rin takpan ang pagkahilam ng mata ko.

Huminto ako sa tapat ng pinto. Naroroon pa rin ang malakas na pagpalahaw ni Dorothy. Di ito nagsasalita sa halip walang hingahan itong pumapalahaw ng iyak.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon