65: Meiji's Return

227 31 1
                                    

Pawang huni na lamang ng mga panggabing hayop ang maririnig sa kalawakan ng kagubatan kung saan nahulog si Meiji kasama ng mga pixei druids at ng dragon's egg. Ngunit hindi iyon maituturing na ingay bagkus tila panghele pa nga iyon sa dalagang ginawa ang lahat para protektahan ang supling ng kanyang si Astrid.

Malalim na ang gabi ngunit sa bahaging iyon ng kagubatan, nagsisilbing tanglaw ang mga bioluminescense na halaman na makikita sa paligid. Sa kaunting paggalaw ay tila naalerto ang mga halamang naroroon para maglabas naman ang mga ito ng lumilipad at umiilaw na mga buko ng mga bulaklak. Nagmistula tuloy may parada ng mga umiilaw na palamuti sa paligid.

Subalit sa kabila ng katiwasayan ng paligid at ng mabining huni ng mga panggabing hayop, isang mabibigat na yabag ang maririnig na palapit. Mabigat na maaaring ipagpa-akala na ang nagmamay-ari ng mga yabag na iyon ay  mula sa isang mabangis ngunit di kilalang hayop o nilalang. At ang yabag na iyon ay maririnig na patungo sa nahihimbing na dalaga.

Sa bawat hakbang nito'y tila lumilikha ng mga vibrations sa lupa na siyang mas lalong nagpapaigting sa pagka-alerto ng mga halaman dahilan para mas dumami pa ang mga lumilipad na umiilaw na buko sa paligid. Kasabay din nun ang tila pagkatakot ng mga hayop sa paligid dahilan para magsipagtakbuhan ang mga ito kung saan-saan.

Sa kamalasan ay hindi iyon alintana ng mga pixie druids na dapat sana'y tagabantay ni Meiji at ng dragon's egg sa mga oras na 'yon. Tulad ni Meiji ay mahimbing din ang tulog ng mga ito dahil na rin siguro sa kapaguran. Walang silang kamalay-malay sa yabag na ngayo'y patungo na sa kanila.

Ang tanong, isa na naman ba itong panganib?

Sa pagdaan ng mga segundo ay mas lalong lumapit ang mga yabag. Palapit ng palapit hanggang sa ang mga yabag na iyon ay huminto mismo sa harapan ng nahihimbing na dalaga.

Dumilim sa parte kung saan nakahiga si Meiji. Indikasyon na malaking butlo ang nagmamay-ari ng aninong iyon. Kung gising lamang si Meiji ay maririnig sana nito ang mahinang pagsigasing ng nilalang at ang kasunod nitong malalim na pahinga. Ngunit anong malay ni Meiji, himbing na himbing siya.

Tanging ang mga halaman na lamang ang naging piping saksi nang yumukod ang nilalang na iyon at walang anu-ano'y binuhat ang walang malay na dalaga. Nasa kandungan pa man din ni Meiji ang itlog ni Astrid. Ngunit mukhang di naman iyon ang pakay ng nilalang. Tumalikod na ito habang tangan si Meiji at naiwan ang mga pixie druids na wala pa ring kamalay-malay sa nangyayari.

Makalipas ang paglalakad ng nilalang  na iyon, naramdaman nitong umungot ang dalagang tangan nito. At saktong pagtingin ng nilalang sa dalaga ay nakita nito ang bahagyang pagmulat ni Meiji. Tumigil ito sa paglalakad at pinakatitigan ang mukha ng dalaga.

“ T-teka. S-sino ka?” narinig nitong paanas na sabi ni Meiji. Hindi kumibo ang nilalang sa halip hinintay lang nitong muling pumikit ang dalaga. Muli, nakatulog si Meiji. Doon pa lamang muling naglakad ang nilalang. At sa pagsuot nito sa kasukalan ng kagubatan, tila ba bigla na lamang nawala ang silweto nito sa kakapalan ng mga puno't halaman.

                                 ******

“ Miss Everdeen! Everdeen!”

Malalakas na pagtawag ang naulinigan ni Everdeen sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa botanical garden. Dahil sa naintriga at medyo kinabahan sa ginawang pagtawag sa kanya, mabilis na tumayo si Everdeen at kaagad niyang nasumpungan ang humahangos na si Primrose Warmheart.

“ Everdeen!” muli pang tawag ni Primrose. Dahil na rin siguro sa kaba ay sinalubong na rin ni Everdeen ang humahangos na dalaga.

“M-miss Primrose? Anong n-nangyari? Bakit ka humahangos?” tanong naman ni Everdeen. Sobra na siyang kinakabahan kaya nagkakandautal na siya.

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now