26:SOS

673 38 2
                                    


【★★★】


Tinakbo na namin ni Primrose ang pinanggalingan ng sos signal na 'yon.

Kahit na malapit lang iyon hiningal pa rin ako. Shem.

Huminto kami sa isang malawak na space. Hawan ang lugar na ito at walang makikitang mga stall. Nasa gitna nito ang isang fountain na may mga bench paikot.

Agad naman naming nakita ang gumawa ng sos signal na iyon.

Sina Kosuke at si JackGrey kasama ang kappa.

"Anong nangyari?" humahangos kong tanong sa mga ito.

"Tanaka! Nandito ka na!"

Tumalon ang kappa mula sa pagkakaupo nito sa sandalan ng bench saka ito patakbong sinalubong kami. Pero imbes na sa akin ito magpunta, si Primrose ang sinalubong nito ng yakap.

Ngunit hindi pa man nakakalapit ng tuluyan si Kipper, bumangga na ang nguso nito sa isang ice barrier na obvious namang si Primrose ang may gawa.

Patse si Kipper sa malaking bloke ng yelo. Nadikit pa ang dila nito sa pader na gawa sa yelo.

"Pasensya na Miss Meiji. Kailangan namin ng tulong."

"Mukha nga JackGrey. Wala pa kayong nabibiling kahit ano."

Napansin kong wala silang mga dalang kahit ano senyales na wala pa silang nabibili.

"JackGrey? JackGrey lang? Walang Prince o Prinsipe man lang? JackGrey lang talaga? Baka nakakalimutan mong isa s'yang royalty? Give him some royal respect, Miss Meiji."

Kahit talaga kailan napakaeksaherado ng babaeng mauban na 'to.

Mabilis akong pumihit paharap sa babaeng mauban.

Nakacross arm pa ito habang papalapit sa amin.

"Wala akong obligasyong tawagin sila sa kung anumang merong title sila, Warmheart. Dahil hindi naman ako bahagi ng anumang empire. Saka nandirito sila, kayo sa Central Continent kaya malaya akong tawagin sila sa kung anumang gusto ko."

Matapang ang sagot ko. Bakit ba? Totoo lang ako.

"Girls, chillax lang. We're here to resolve a problem hindi para dagdagan pa. Pwede bang kahit saglit lang kalimutan nyo muna ang hate ninyo sa isa't isa."

"Oh, shut up, Seo-woo." nakita ko pa kung paano pinaikot ni Primrose ang mata niya.

Siya pa 'tong may ganang punahin ako sa kawalan ko daw ng 'paggalang' kay JackGrey samantalang siya naman 'tong walang pakundangang sabihan si Kosuke na magshut-up. Tsk. Lapastangan.

"Sabi ko nga shut up na lang ako." napakamot naman ng ulo si Kosuke. Nanahimik lang ito at walang balak patulan pa si Primrose.

"H-h-hatchooooo!"

Isang malakas na bahing naman ang nagpatalsik kay Kipper mula sa magkakapatse nito sa pader na yelo.

Napangiwi naman ako sa kulay green na dagta na tumutulo ngayon sa pader na yelo.

At base sa ginawang pagpunas ni Kipper sa ilong nito habang nakasalampak pa rin alam ko na kung ano iyon.

Mukha yatang may sipon si Kipper.

"May sipon ka Kipper. Kaya di ka makaamoy na maayos. At dahil doon wala pa kayong nabibiling kahit ano. Tama ba ako?"

Sabay-sabay namang tumango ang tatlo sa sinabi ko.

Tumayo na ang kappa saka ito suminghot bago pa man tumulo ang nakakadiring uhog nito.

Kakaew...

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now