Chapter One

2.7K 59 39
                                    

Chapter One

LUSH,

I closed my eyes tightly as I feel my back hit the locker. My body bounced and I almost feel on the ground because of the impact. Hinawakan ng lalaki ang kwelyo ng suot kung uniporme at pinasadahan ako ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha. Pakiramdam ko, bumakat ang kamao n'ya sa pisngi ko. Ramdam ko na ang panghihina ng mga tuhod ko, pero hindi pa rin ako bumagsak sa sahig dahil nanatili s'yang nakahawak sa kwelyo ko.

Dinuro n'ya ko, "dahil sa'yo iniwan ako ng girlfriend ko!" Sigaw n'ya sa 'kin.

Napapikit ako ng may tumalsik na laway sa mukha ko galing sa bibig n'ya. Puta naman! Ang bastos. Sinira na nga n'ya maganda kung mukha tapos lalawayan pa 'ko. Ang bastos grabe! Buti man lang kung ang bango ng hininga n'ya, eh amoy namang tae na nabilad sa araw. Piste!

Inabot ko ang gilid ng labi ko gamit ang aking dila. Nalasahan ko ang parang kalawang at do'n ko nakompirma na dumudugo ang labi ko. Imbes na mainis dahil sa ginawa n'ya ay napatawa na lang ako ng mahina.

I wiped the edge of my lip using my thumb. "Why are you blaming me? Why don't you blame your girlfriend?" Tanong ko, "just accept the fact, dude, that I'm handsome than you that's why your girlfriend cheated on you," saad ko sa nang-aasar na tono.
Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, muli na namang dumapo ang kamao n'ya sa pisngi ko. Doon ay tuluyan na akong napaupo sa sahig.

"Makita pa kitang lumapit sa girlfriend ko, tuluyan ko ng wawasakin 'yang mukha mo, gago ka!" Sigaw n'ya sa 'kin.
Kita ko na ang paglabas ng litid sa leeg n'ya. Galit na galit talaga s'ya.
Wala naman akong ginagawa sa kan'ya.

Hindi na ako nagsalita dahil baka kapag ibinuka ko pa ulit ang bibig ko ay kung ano lang ang masabi ko at tuluyan na n'yang sirain ang maganda kung mukha. Akmang tatayo na ako ng bigla na lang may humahangos na babae ang lumapit sa 'min. Itinulak n'ya ang lalaki saka dumeritso sa harap ko.

"Lush! Lush, are you okay?!" Kita ko sa buong mukha n'ya ang pag-aalala. Hinawakan n'ya ang magkabila kung pisngi at sinimulang i-check ang mga sugat na natamo ko mula sa suntok ng lalaki na ngayon ay nakatayo pa rin sa harap namin. Pa-simple ko s'yang sinilip at para na s'yang isang cartoon character na may lumalabas na usok sa ilong at tenga n'ya dahil sa galit.

Pinigilan ko ang pagtawa ko.

Tumango ako bilang sagot.

Bumaling s'ya sa lalaki. "Anong ginawa mo, Jo?! Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan? Wala na tayo!"

"Anong wala na tayo? Hindi pa ako nakikipag-break sa 'yo!" Gigil na saad ng lalaki, "lumayo ka nga sa kan'ya!" Lumapit ang lalaki, na tinawag ni Jessie na Jo, sa amin at marahas na hinila si Jessie sa kan'yang braso dahilan para mabitawan n'ya ako.

"Ano ba, Jo! Wala na tayo, matagal na. Si Lush na ang mahal ko! Ano ba!" Tili ni Jessie habang nagpipilit na makawala mula sa pagkakahawak ng lalaki. Inilayo s'ya ng boyfriend n'ya sa pwesto ko pero sa 'kin pa rin sya nakalingon. Nagkunwari akong malungkot. Hinawakan ko ang tiyan ko at umaktong nasasaktan.

"Lush!" She called my name and I just looked at her with a sad face, "ano ba, Jo! Bitawan mo ako!" Patuloy nitong pagsigaw habang nagpupumiglas at nagpipilit na makawala sa pagkakahawak ng boyfriend n'ya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan na silang makaalis. Isinandal ko ang likod ko sa malamig na locker at sandaling pumikit. Ngayon, mas ramdam ko na ang hapdi ng sugat at pasa sa mukha ko. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil sa nangyare. Hindi pa ako nasanay. Halos buwan-buwan o linggo-linggo ko 'tong nararanasan, pero hindi pa rin ako nasasanay. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang parents ko dahil nagkaroon sila ng anak na nabiyayaan ng magandang mukha para habulin ng mga babae na kahit may mga boyfriend na ay handa silang mag-cheat para lang makasama ako.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now