CHAPTER 38

22 13 0
                                    

Dali-dali naman akong pumunta sa girl's restroom.

Sakto naman at walang tao rito, mabuti na lang.

Pumasok na muna ako sa gitnang cubicle at isinabit ’yung bag ko sa gilid kung saan puwede mo isabit ’yung mga gamit mo rito.

Habang nag-bibihis ako, napatingin naman ako sa palda ko.

I’m wondering kung saan ’to nanggaling e ka-katapos lang ng menstruation ko.

I smell it, pero hindi ito regla, alam ko kung ano ’yung pinag kaiba ng regla sa hindi regla. It’s fake blood.

Kung sino man ang nag lagay nito sana mabulunan siya.

Ang hirap nito labhan, paano kung hindi na ’to matanggal. Dalawa lang ’yung palda ko, tapos ’yung isa nagka ganito pa.

Napabuntong hininga na lang ako at sinuot ’yung yellow oversized t-shirt ko pati na rin ang jagger pants ko.

Sinuot ko na rin itong sapatos ko, para pag labas ko diretso na.

Habang inaayos ko itong sapatos ko, naramdaman ko namang may pumasok sa cr. Kaya hindi na muna ako gumalaw at pinakinggan ito ng mabuti.

“Kilala mo ba ’yung babae na nasa section A?”

“Sinong babae ba? maraming babae sa mundo gago.”

“Shanianah? I think that's her name, narinig ko lang. Mag jowa ba sila ni Levin? pansin mo? palagi silang mag kasama.”

I gasped.

Tinakpan ko naman ’yung bibig ko upang pigilan itong tawa ko.

“Hm, pansin ko rin, mukhang mag jowa sila. Bagay naman sila e,  mang-aawit si Levin tapos siya naman isang mananayaw. Perfect combination.” narinig kong sabi galing sa isang babae, pumalakpak pa ito.

“For me, it’s a no. Anong bagay-bagay ka jan? I like Levin.”

“Pa-patulan ka ba non?” wika ng kasama niya.

Napangiti naman ako dahil sa aking narinig at pinipigilan ang aking sarili na huwag matawa.

Hindi naman kasi kami mag jowa.

Mag pinsan kami, hoy!

“Tara na nga, puro ka satsat. Baka mamaya na late na tayo sa practice natin.” Iritadong sabi ng babae.

Narinig ko naman silang lumabas na ng cr kaya nang makalabas na sila ay dahan-dahan naman akong lumabas sa cubicle at humarap ako sa malaking salamin ng banyo.

Sino-sino ba mga ’yon, pinag-uusapan pa ako e nandito lang naman ako, akala nila hindi ko narinig ah.

Umiling na lang ako at inayos ’yung buhok ko, ginawa kong bun hair.

Tinupi ko naman ’yung damit ko at inilagay iyon sa bag ko, pati ’yung school shoes ko ay inilagay ko sa paper bag.

After that, binackpak ko na ’yung bag ko at inilagay sa kanang balikat ’yung jacket na pinahiram sa akin ni Kean.

Lumabas naman ako at pumunta na sa dance room.







Nasa dance room ako at nakatayo sa gilid katabi sina Sheyne at Dewei. Katabi naman ni Kofi si Marzanna na nasa left side.

Kaharap naman namin si Akio at Kean na medyo malayo sa amin. Mabuti na lang talaga naisauli ko ’yung jacket nita, kinabahan ako doon baka pati jacket niya nalagyan ng fake blood.

Mabuti na lang wala.

Pumunta naman si Yza asa gitna.“So, we're going to learn how to execute some B-Boy moves.” she said. “Pipili ako hanggang lima, mahirap turuan kapag kayo lahat ang tu-turuan ko. Pi-pili ako hanggang sa maubos tayo.”

Let's Dance? (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang