CHAPTER 44

19 14 0
                                    

Shanianah’s Point of View

Hindi ko dama ’yung birthday ko, one day left at kaarawan ko na. Hindi ko makakasama sina Mama at Papa dahil sobrang layo nila sa akin.

Ang bilis talaga ng panahon ngayon, parang kailan lang, kakalipat ko pa lang dito e.

"Hala,” mabilis ko namang inangat ang aking tingin nang marinig ko si Sheyne.

Narito kami sa cafeteria dahil recess ngayon, after nito ay ba-balik rin kami ka agad sa dance room upang mag practice ulit.

"Bakit?" nag-tatakang tanong sa kaniya ni Dewei.

Napatakip naman si Sheyne sa kaniyang bibig at gulat na gulat. E pati kami hindi alam ano ang ire-react namin kasi hindi namin gets e.

"Bakit nga? parang tanga, over reacting ka nama—” hindi na tinapos ni Dewei 'yung sa-sabihin niya dahil biglang hinampas ni Sheyne 'yung lamesa. Nagulat naman kami doon pati na rin 'yung mga tao sa cafeteria, halos nakatingin na silang lahat sa amin.

Ako tuloy ang nahihiya sa ginawa niya.

"Malapit na ang birthday ni Shan!" sigaw n8ya.

Nag hiyawan naman sila sa lamesa samantalang ako maikling nakangiti.

Hindi ako masaya.

Hindi ko makakasama sina Mama at Papa. Sa tuwing kaarawan ko ay kasama ko talaga sila, ngayon lang ako nakahiwalay sa kanila.

Bigla naman silang tumahimik at tinignan ako. "Hey, are you okay?" Marzanna asked me.

I nodded, "Oo naman, may iniisip lang."

"You sure? you look sad, nandito lang naman kami para sa 'yo." pag papatuloy ni Marzanna.

Tumango naman ako at tumingin sa kanila. "Oo naman, ayos lang ako." ngumiti naman sila sa aking sinabi.

Nag salita naman si Gelay kaya na patingin kami sa kaniya. “Anyway, may na pa-pansin ako, bakit hindi niyo na nakakasama si Kofi? may nangyari ba sa inyo?”

"Oo." tipid kong sabi at ininom 'yung apple juice na nasa harap ko.

"What happened?” mabilis na tanong sa akin ni Sheyne.

Hindi pa alam ni Sheyne ’yung, tanging si Dewei pa lang ang nakaka-alam.

Sinabi ko sa kanila 'yung buong nangyari, nung una hindi sila naniwala kasi hindi raw ganoon si Kofi dahil mabait daw siya.

Kailan ba naging mabait ’yon?

Hanggang sa sinabi ko sa kanila na magka sabwat sila ni Yzabela at may balak sila para hindi ako makasali sa competition ngayong December, doon na sila naniwala sa akin maliban kay Dewei at Marzanna dahil alam naman na nila ’yung nangyari.

"Sabi ko na nga ba, noon ko lang na papansin 'yang si Kofi sa tuwing kasama mo siya noon. Everytime na hindi ka nakatingin sa kaniya, umiiba awra niya e. Hinahayaan ko lang, kasi baka ganoon lang talaga pag mu-mukha niya." kalmadong sabi ni Gelay.

Sumingit naman si Marzanna. "Ngayon niyo lang ba napansin? simula una alam ko na ugali niyan. Mag kaibigan kami noon, noong unang araw ko pa lang dito kaso nasira lang at minsan na lang kami mag-usap, ewan ko doon. Bonak e, hindi ko nga alam bakit mag katabi kami." Marzanna laughed.

"Basta ako sumusunod lang kay Marzanna." wika ni Skylla. Ang inosente talaga ng mukha nito, ang ganda pa.

Nag tawanan naman kami dahil sa mga sinasabi nila tungkol kay Yzabela at Kofi.

"'Di ba gusto mo si, Kofi?" tanong naman ni Sheyne kay Dewei.

Umiling naman si Dewei, “Hindi ah,” at sinamaan niya nang tingin si Sheyne.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now