CHAPTER 28

24 21 5
                                    

Paano kung si Jude pala 'yon.

Kung siya man 'yon, ang laki ng pinagbago niya, he changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati.

FLASHBACK

Bukas na 'yung kaarawan ko. Sinabi sa akin ni Jude kahapon na magkikita kami ngayon sa puno ng bayabas, malapit lang iyon sa bahay nila.

May sasabihin kasi siya sa akin pero hindi ko alam kung ano iyon.

Inayos ko naman itong sarili ko at humarap sa salamin namin, simpleng t-shirt at short lang itong suot ko.

Nang matapos na ako ay agad naman akong lumabas ng kuwarto para mag paalam kay Papa at Mama.

Hinanap ko sila rito sa buong bahay, pero hindi ko sila makita. Kaya lumabas ako ng bahay upang doon sila hanapin.

Nakita ko naman sina Mama at Papa na nasa labas, nag-uusap at nag ta-tawanan.

Lumapit naman ako sa kanila, na pansin naman ni Mama at Papa 'yon kaya napatigil sila sa pag-uusap at sa pag-tatawanan. "Ma? Pa? aalis na muna ako ha? babalik po agad ako." pamamaalam ko sa kanila.

"Saan ka pupunta Anak? Ingat ka ha? huwag ka magpapagabi. Delikado pa naman dito sa probinsiya, baka ma pa'no ka pa." pag-aalalang sabi ni Papa sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. "Doon lang naman ako sa puno ng bayabas Pa. Huwag rin po kayo mag aalala dahil uuwi po ako agad, wala pang gabi nandito na po ako." tumango naman sina Mama at Papa sa aking sinabi, kaya iniwan ko na sila roon at pumunta na ako sa puno ng bayabas.

Habang nag lalakad ako, nakita ko naman si Jude na nasa puno na ng bayabas, nakasandal siya sa puno habang ang kaniyang mga mata.

I'm so lucky to have him.

Tumakbo naman ako papalapit sa kaniya at tumabi ako sa kaniya, "Love!" pukaw ko rito.

He opened his eyes and he barely smiled at me. "Hey, kumusta araw mo?" tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "Ayos naman."
"S'ya nga pala, ano nga pala 'yung sasabihin mo? may... problema ba?" tanong ko rito.

"Aalis na kami dito Shan."

Dahil sa sinabi niya ay nag laho ang aking ngiti mula sa aking labi.

Na para bang binuhosan ako ng maraming yelo sa aking buong katawan.

"Lilipat na kami sa lungsod. Doon na rin ako mag-aaral at lalayo na rin ako sa 'yo."

I stopped.

Umayos naman siya sa pag-upo at hinarap niya ako, hinawakan niya rin ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa aking mga mata. "Shan, alam nating pareho na gusto natin maging isang mananayaw. Kailangan kong tuparin 'yon kasi pangarap ko 'yon e, kung hindi pa-palarin siguro maging basketball player na lang ako. Ng dahil sa 'yo, gusto ko na rin maging isang mananayaw. Just promise me na aabutin mo rin 'yung pangarap mo ha? kailangan maging isang sikat na mananayaw ka rin. Promise me."

Let's Dance? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora