CHAPTER 48

19 13 0
                                    

Hindi na muna kami pumasok ni Sheyne kanina sa klase hanggang sa gumabi na lang.

Sinamahan ko siya dito sa dorm, pinapa-kalma ko rin siya dahil alam kong natakot siya kanina sa nangyari.

Kinakausap ko ngayon si Sheyne. Pinapatawa, I tried everything just to make her happy, napangiti na lang din ako dahil napapatawa siya sa mga sinasabi ko. I just want to hear her laugh para naman makalimutan niya ’yung nangyari kanina. At alam kong hindi iyon madali.

Napatigil lang naman kami dahil may biglang kumatok sa dorm namin. Ta-tayo na sana si Sheyne para buksan 'yon, kaso tumanggi ako at sinabing ako na ang bubukas.

Nang binuksan ko ito, tumambad sa harapan ko si Gelay. "Ikaw lang pala. Akala ko kung sino, may problema ba?" tanong ko rito sa kaniya. "We need to talk." wika niya at tumingin kay Sheyne, na patingin din naman ako kay Sheyne na ngayon ay naka tingin din sa amin ni Gelay.

"Tungkol sa nangyari kanina sa cafeteria." bulong sa akin ni Gelay.
"Samahan mo na muna ako sa dance room, kung puwede? we need to talk." sabi niya sa akin.

Lumingon naman ako kay Sheyne. "Sheyne, a-alis na muna kami ha? ba-balik ako agad. I promise, may kailangan lang kaming pag usapan." she nodded at ngumiti sa akin.

"Sure, take your time. Matutulog na lang siguro ako, tutal seven twenty na. Ingat kayo ha." sabay naman kaming tumango ni Gelay sa sinabi ni Sheyne sa amin.











Nasa dance room kami ngayon kahit gabi na at pinag u-usapan namin 'yung nangyari kanina, kasama ko ngayon sina Dewei, Gelay, Akio at, Kean.

Pinag-uusapan din namin kanina si Yzabela, nag-iisip pa si Kean kung paaalisin niya ba si Yzabela sa pagiging choreographer. Tinanong ko rin si Kean kung bakit ayaw niyang paalisin agad si Yzabela, ang sagot niya naman ay hindi niya puwede basta-basta paalisin si Yzabela nang hindi niya sinasabi ito kay Sir Rex.

Sa-sabihin niya raw ito kay Sir Rex upang mai-alis na si Yzabela sa pagiging choreographer.

Sinabi rin nina Gelay sa akin kanina na may balak daw sila na gawin akong isang choreographer dahil na pa-pansin nila na mabilis daw akong matuto, at bagay na bagay rin daw sa akin ang maging isang choreographer.

Nakatayo lang kami dito sa gitna ng dance room at pinag uusapan ang nangyari kanina.

“Ano na ba balita kay Luke?" paninimula ko at tinanong ko si Dewei habang nakahawak siya sa kaniyang pasa na nasa gilid ng kaniyang labi.

"Napa-alis siya, sinabi ko sa principal kanina lahat. Mabuti na lang naniwala 'yung Papa ni Kean kanina sa mga sinasabi ko. He must be kicked out to this school, hindi niya deserve dito. Hindi na rin siya ang basketball captain, pina-alis siya, hindi ko lang alam kung sino na ang magiging basketball captain ngayon.”

Sumingit naman si Gelay, "Aba, dapat lang talaga mapa-alis siya dito.” she smirked, “Saan siya nag punta ngayon?" tanong ni Gelay kay Dewei.
Habang kami naman nila Akio at Kean ay nakikinig lang sa kanilang dalawa.

"I don't know, kanina lang umalis 'yon e. Pagkalabas namin ng principals office, umalis na rin siya. Balita ko umuwi sa kanila 'yon, hindi na rin kasi siya puwede bumalik dito." Dewei added.

"Ang tagal ko na dito, pero ngayon ko lang nalaman na ganiyan pala ugali niyan. Pakitang tao ba 'yan?" tanong sa amin ni Kean.

Tumango naman si Dewei doon, "Oo, 'yan din 'yung sabi sa akin ni Sheyne. Pati nga rin daw si Stan hindi alam na ganoon ang ugali ni Luke. Those two are best friends, right?" tanong naman ni Dewei sa amin at ako naman ay nanatiling tahimik at nakikinig sa kanila.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now