CHAPTER 29

28 20 0
                                    

Ngumiti naman ako pabalik kay, Akio at ibinalik ko rin ka agad ang aking tingin sa stage.

Ang guwapo niya ngayon, lahat sila naka itim na lipstick pati na rin ang kanilang mga damit na parabang kulay itim ang theme nila Akio ngayon. Naka long sleeve si Akio at naka ripped jeans na kulay itim, ganoon din sina Kean, ang kanilang buhok naman ay kulay gray, na para bang ini-spray ito. Hindi ko lang nakita kung ano ang damit na sinuot ng mga babae.

I can't wait to see Kofi. I can't wait to see her outfit.

Habang sumasayaw ’yung DSA sa harapan namin, ang ingay ng mga tao sa likuran namin.

"Waaah! ang galing mo Ythian!"

"Jude, ang guwapo mo! pakasalan mo ako!"

"Tanginang mga mukha 'yan! ang ga-ganda at ang gu-guwapo!!"

"Akin ka na lang Yves!"

"Buntisin niyo ako!"

Na pansin ko naman na tumatawa ng malakas sina Sheyne at Dewei dahil sa aming naririnig ngayon mula sa aming likuran.

Kahit na ako ay natatawa rin dahil sa sigaw ng mga tao ngayon, nakakahawa rin ’yung tawa nina Dewei at Sheyne, mukha silang pato.

Tinapik naman ako ni Dewei at bumulong sa akin ng malakas dahil sa sobrang ingay at sobrang lakas nung music. "Putrages halos hindi na natin marinig 'yung music dahil sa mga sigawan sa likod!" tumawa naman ako sa kaniyang sinabi.

Napaigtad naman kami nila Sheyne at Dewei dahil sa aming nakikita ngayon, taray, may pa effects pa sila may pausok sila.

Tumingin naman ako kay Jude na hataw na hataw. Ang galing nga talaga nila sumayaw, sabay na sabay. Walang nag-kakamali, hyper lahat.

At nag-tataka rin ako kung ano ang theme nila, kulay yellow kasi ang mga damit nila.

Agad naman akong lumapit sa tenga ni Sheyne at bumulong. "May idea ka ba ano theme nila? kasi naka yellow silang lahat e!" nilakasan ko naman ito dahil sobrang lakas ng music.

"Hindi ko rin alam! baka minions?" seryosong sabi nito sa akin.

Wala na talaga siyang sagot na matino, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Sheyne, jusko.

Muli naman akong napatingin sa aking harapan, hataw na hataw pa rin sina Jude.

I keep staring at him and I expect na hindi niya ako makikita, pero nag tama ang aming mga mata. Nag tama ang mata naming dalawa. Patuloy lang siya sa pag sayaw habang nakatingin sa akin, halos hindi na niya maalis 'yung tingin sa akin.

Pero pumasok naman sa aking isipan na baka hindi ako ’yung tinititigan niya, baka nag a-assume lang ako.

Yumuko naman ako upang maiwasan siya.

A few several minutes later, dahan-dahan naman ko namang inangat 'yung tingin ko para tignan kung nakatingin pa ba siya sa akin, pero hindi na.

Bigla naman silang tumigil sa pag sayaw at biglang dumilim ang buong paligid.

Tapos na pala sila sumayaw.

Nag-palakpakan naman 'yung mga tao, kaya pumalakpak na rin ako.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko muli si Jude, nakasali nga siya sa isang sikat na troupe.

Natupad nga niya ang pangarap niya.

Bumukas naman 'yung ilaw at nasa gitna na ngayon ang emcee at katabi niya ang grupo nina Jude. "That's a wonderful performance! perfect na perfect! thank you so much DSA University!” pag-bati sa kanila nung emcee kaya ngumiti naman ’yung grupo ni Jude.

Let's Dance? (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora