CHAPTER 4

54 43 0
                                    

Nang maka alis na sila ay umalis na rin ako at pumunta sa counter dahil nandoon si Tita at hinihintay ako.

Ang sabi sa akin ni Tita ay pumili ako ng mga sapatos rito baka raw may magustohan ako at bibilhin niya raw.

Pero ang ending hindi na ako pumili, dahil nahihiya na ako kay Tita.

Bigla namang pumasok sa aking isipan sina Akio kanina. Dark brown 'yung buhok, matangos 'yung ilong, mabango, singkit, may dimple, at hanggang leeg lang din ako.

Lalo na rin si, Kean. Matangos ang ilong, brown eyes, makapal 'yung kilay, itim 'yung buhok bagay din naman sa kaniya. Halatang mayaman din 'yung dalawa.

’Tsaka baka kaedad ko lang sila, o baka nasa twenty plus na ang mga ’yon. Tapos ako kinse anyos pa lang.

Pumunta na lang ako sa may counter dahil naalala ko nandoon pala si Tita na hinihintay ako.

Nang makarating naman ako sa counter ay nakita ko roon si Tita.  "Tita, tara na po." nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatayo siya sa gilid at nag ce-cellphone. Ang tagal ko ata, nakatayo pa naman si Tita. Halatang masakit na paa nito kakahintay sa akin.

"Wala kang napili? ayos na ba itong tatlo na binili ko para sa 'yo?” she asked.

I nodded. "Opo, ayos na po iyan. Maraming salamat po." paglatapos kong sabihin iyon ay tumango naman si Tita sa akin at ngumiti.

Binayaran niya na rin ’yung tatlong sapatos na aming nabili. Pagkatapos non ay lumabas na kami sa Nike store.

Tama na itong tatlong sapatos na nabili ko. ’Tsaka hindi rin naman ako sanay sa mga mamahaling gamit. Sadyang nasanay lang ako sa mga simpleng bagay.

"Hija, nagugutom ka ba?" tanong sa akin ni Tita habang nag la-lakad kami rito sa mall.

"Hindi pa po, ikaw Tita?"

"Hindi pa rin, bi-bili na lang siguro ng makakain tapos sa bahay na lang natin ka-kainin." sabi ni Tita sa akin.

Bumili si Tita sa KFC. Pagkatapos non ay napagdesisyonan na namin umuwi. Medjo maeami 'yung biniling gamit ni Tita para sa akin. Hindi lang mga sapatos, mga damit ang binili niya para sa akin. Marami pa.

But I can't stop thinking tungkol kina Mama at Papa. Tomorrow is Sunday at sa susunod na araw ay Lunes na.

Sobrang lapit na pala ng pasukan.

Makikita ko na ulit sina Mama't Papa. Hindi ako makapag hintay na makita sila bukas.




Nakauwi na rin kami ni Tita, kanina pa. Pero nagabihan kami kasi binagalan ni Tita 'yung pag papatakbo niya sa kaniyang sasakyan dahil sa masaya naming chikahan sa loob ng kotse niya.

Pag uwi namin ay kumain na kami ka agad at pagkatapos non ay nag pahinga na rin kami ng maaga.

Kasi maaga rin kami a-alis bukas para mag simba, pagkatapos din non ay pupuntahan namin sina Mama at Papa sa bahay.

Nagpapahinga na rin si Tita dahil napagod daw siya sa ka-kadrive. Tulog na rin ata siya. Eight seventeen pa naman ng gabi. Maaga pa, kaya napag isipan ko na i-arrange itong mga gamit na binili namin kanina sa mall.

Inayos ko ito at inilagay sa closet itong mga bagong damit ko at inayos ko na rin pati mga bagong sapatos ko.

Pagkatapos kong mag ligpit ay napag isipan ko nang humiga sa kama.

Nakakaramdam na rin ako ng pagkabagot lalo na’t hindi pa ako inaantok, kaya kinuha ko itong cellphone ko para mag facebook. Pag bukas ko rito, wala man lang akong na tanggap na mensahe at saka 'yung notifications ko rin ay walang kabuhay-buhay. Kaya chinarge ko na lang itong cellphone ko at inilagay sa coffee table na nasa tabi lang ng aking higaan.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now