CHAPTER 36

22 16 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Yzabela sa classroom para planuhin 'yung dapat na mangyari ngayon kay Shan.

Nandito kami sa loob at pumunta naman kami sa upuan ni Shan na ngayo'y katabi ko lang.

Masiyado pang maaga, six forty-nine pa, ganitong oras wala pang masiyadong estudyante at tahimik pa ang buong campus.

Kaya ni-lock na muna namin 'yung pinto at isinara 'yung mga bintana, baka kasi pumasok 'yung mga kaklase namin at mahuli nila kami.

"Are you serious about this? kulay kayumanggi ’yung upuan Kofi, mahahalata niya talaga ’yan." madiin na sabi sa akin ni Yzabela habang hawak-hawak niya ang fake blood.

I rolled my eyes while I'm looking at her. "Hindi 'yan, trust me. Hindi 'to papalpak, ’tsaka ako na bahala. Makakatabi ko naman si Shanianah mamaya e." kinuha ko naman 'yung fake blood na hawak-hawak niya.

Mabuti na lang at maliit itong la-lagyan ng fake blood kaya hindi ito mahahalata.

"Ikaw na mag lalagay?" tanong niya sa akin.

I nodded, "Yep, mamaya na kapag u-upo na siya rito."

"Kapag 'yan pumalpak, bahala ka talaga jan. Walang si-sihan ah." she chuckled. "Basta, ako na bahala." ipinasok ko naman 'yung fake blood sa bulsa ng palda ko.

Hinila ko naman si Yza papuntang pinto. "Let's go. Baka may makakita sa atin na mag kasama tayo. Akala pa naman nila na mag kaaway tayo." I said.

After that, pumunta ako sa cafeteria at pumunta naman si Yza sa library.

Nang makarating na ako sa cafeteria, kumain na muna ako ng kunti doon at nag-iisip kung ano ang mangyayari mamaya.

Para naman mapahiya ko siya.

Ngumisi naman ako habang tinutusok ko ng tinidor itong steak na kinakain ko.

I sighed.

I suddenly remember, kung totoo lang ’yung gayuma, edi matagal ko nang ginayuma si Stan.

Pero wala ako nun.

I know that Dewei likes me, but I don't like him. Hindi ko rin alam, baka ayaw ko lang talaga sa kaniya.

Lalo na kay Sheyne panay dikit pa kay Shanianah at sa akin. Nandidiri ako, nasusuka na ewan.

Na pilit lang naman akong sumabay sa kanila kasi wala akong magawa, just bored, and I didn't expect na mapupunta ako sa ganito.

Marami pa akong balak na gawin sa kanila at sigurado ako na hindi ako matatalo. Si-siguraduhin ko na hindi makakasali si Shanianah sa competition sa December.








Nakaupo na ako ngayon sa aking arm chair kung saan makakatabi ko ngayon si Shanianah.

Katabi ko naman ngayon si Marzanna pero kanina niya pa ako hindi pinapansin lalo na si Skylla.

Silang dalawa lang naman 'yung nag-uusap ngayon sa tabi ko, pero hinayaan ko lang at hinintay si Shanianah na dumating.

Unti-unting nagsi datingan 'yung mga ka-klase namin. Tumingin naman ako kay Yza na ngayo'y nakatingin din sa akin. Ngumisi naman ako sa kaniya and she smiled at me.

Tumingin naman ako sa pintuan at sakto naman pumasok na siya at nakatutok lang sa cellphone niya.

Nag-lakad naman siya papunta sa kaniyang upuan habang nakatitig sa cellphone niya, pasimple ko namang kinuha 'yung fake blood sa bulsa ko at tumingin sa likod at harapan ko kung may nakakita ba at mabuti na lang wala.

Kaya dali-dali ko namang binuksan 'yung fake blood at nag lagay sa kaniyang upuan. Pagkatapos kong malagay iyon, agad ko namang tinignan si Shan na ngayo'y mabagal ang lakad dahil sa nakatuon ang kaniyang tingin sa kaniyang cellphone.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon