CHAPTER 12

42 30 1
                                    

Sabi ni Kean ay pupunta kami sa classroom. Tapos ngayon nandito na kami, wala pala siyang sa-sabihin.

O baka hindi lang ako makapag-hintay.

Nakita ko namang pumunta si Kean sa aming harapan. Ito na pala, sasabihin na niya. "Nandito na ba lahat?" tanong nia sa amin at tumango naman 'yung iba.

"Next week na 'yung competition, sa Monday. Na moved. Pero sa-sama 'yung transferees sa Monday. May bayad 'yon kapag merong manonood, pero si Sir Rex na ang bahala. Kailangan na natin mag practice hanggang Saturday. Then, Sunday is our rest day." seryosong sabi niya.

’Yon lang pala.

Ibig sabihin, makakasama kaming transferees? at ma papanood namin ’yung performance nila?

Ang bilis ng oras at panahon, next week na agad. Tuesday pa naman ngayon.

"Punta na kayo sa dance room, 'yon lang naman 'yung sasabihin ko." agad na rin siyang lumabas, sumunod naman sa kaniya sina Gelay at Yzabela, tapos si, Akio.

"Hindi ka ba tatayo para lumabas?" napatingin naman ako kay Kofi. Kami na lang pala ang na iwan dito, sila Sheyne at Dewei lumabas na.

"Una kana, su-sunod lang ako." ngiting sabi ko sa kaniya, pero tinitigan niya lang ako.

Tumayo naman siya at humarap sa akin, napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Okay ka lang ba? parang may problema ka ah?” pag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi naman talaga ako okay araw-araw. Marani akong problema, sa buong buhay ko hindi ko nasubukan mag sabi ng problema, kahit sa pamilya ko. Mas prefer ako na i-keep na lang 'to, kasi nakakaya ko naman kimkimin ’to.

"Oo naman, okay naman ako palagi. ’Tsaka baka pagod lang 'to o baka gutom, kunti lang kasi 'yung kinain ko kanina." pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Gusto mo punta muna tayo sa Cafeteria? kain tayo doon, sasamahan kita." agad naman akong umiling.

"Huwag na, mamaya na lang siguro. ’Tsaka may practice pa kayo, baka magalit si Kean sa 'yo kapag na late ka." sabi ko sa kaniya, agad din naman akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Tara na? sabay na lang tayo sa dance room, baka hinahanap ka na nila." pagpapatutuloy ko, lumabas na din kami ng classroom at sinara ang pintuan.

Gusto mo punta muna tayo sa Cafeteria? kain tayo doon, sasamahan kita.

Ang bait ni, Kofi. Sobra, ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan kang ganito.



Nang makarating na kami sa dance room ay agad akong umupo sa gilid katabi sina Sheyne at Dewei. Habang si Kofi naman ay nasa gitna at nag pa-practice.

Kanina pa sila nag-simula, pero napapansin ko si Akio na sumulyap sa akin. Pero sa tuwing nahuhuli siya ng aking tingin ay umiiwas siya agad.

Napatingin naman ako sa katabi ko na sina Dewei at Sheyne, pero na out of place ako. Kaya lumayo ako kunti sa kanila.

Punta muna kaya ako sa cafeteria, doon na lang muna ako. Gusto ko mapag-isa ngayon.

Agad naman akong tumayo at pumunta kina Dewei at Sheyne. "Punta na muna ako sa Cafeteria ha? sasama kayo? o dito na lang kayo?" tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman si, Sheyne sa akin. "Dito na lang siguro kami, mag-iingat ka doon ha. Nagugutom ka ata, eat well Shan.” Sheyne smiled.

"Oo, okay lang kami rito. Balik ka agad ah? para tatlo tayo dito." sabi naman ni Dewei. Tumango na lang ako at lumabas, hindi na rn ako nag paalam kay Kofi kasi nag pa-practice sila.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now