CHAPTER 19

33 22 3
                                    

“What are you doing?” Kean murmured habang naka patong ako sa kaniya at parehas kaming napahiga sa sahig.

Ka agad din naman akong umalis sa ibabaw niya at napatingin sa mga kaklase ko.

Napatigil silang lahat sa pag sayaw at gulat na gulat sila dahil sa nangyari.

Napayuko na lang ako dahil sa hiya, hindi ko naman sinasadya. At saka ang balak ko lang ay itabig 'yung tumbler niya. Pero ang ending, nakapatong na ako sa ibabaw n'ya.

Sobrang lapit non.

Napatingin naman ako sa gilid kung saan natumba si Kean. Tumayo siya at napatingin sa kaniyang uniform na basang basa na.

Gusto ko humingi ng tawad, pero nahihiya ako lalo na’t maraming nakatingin sa amin.

At baka galit siya dahil basang-basa ’yung uniporme niya.

Napalingon naman ako kay Dewei at Sheyne na nasa gilid. Akala ko nagulat sila pero—

Nakangiti sila.

Ngumiti naman sa akin sina Dewei at Sheyne. “Mission success.” agad ko rin namang na gets ang sinabi nila kahit wala itong boses.

Tumahimik naman 'yung buong dance room dahil lahat sila ay gulat na gulat.

"Why did you do that?" Binasag ni Kean 'yung katahimikan nang tinanong niya ako.

Nag dadalawang isip ako kung sasagot ba ako o hindi.

Natatakot ako.

Hindi ko sinasadya.

I'm squeezing my hands so tight because of nervousness. "H-Hindi ko sinasadya 'yung nangyari—” bigla naman akong napahinto dahil sa kaba.

Agad din namang nag-salita si Akio at tumabi sa akin. "Hindi niya sinasadya 'yon, ’tsaka—” nilingon niya muna ako bago siya nag-salita.

"’Tsaka kaya n'ya ginawa 'yon, kasi inutusan ko siya." mabilis niyang sabi.

A-Ano?

Ano ba ang pinagsasabi niya...

Dahil naman sa sinabi niya ay maraming nagulat, gulat na gulat sa pangyayari.

Agad namang pumunta si Kean kay Akioat kitang-kita sa mga mata ni Kean na galit ito.

“Bakit mo ginawa 'yon?” he asked Akio seriously.

Agad namang hinawakan ni Kean ang kuwelyo ni, Akio. Pero wala namang  emosiyon si Akio nang ginawa iyon ni Kean.

Ayaw ko na makita silang dalawa na nag-away dahil lang sa ginawa ko.

Naramdaman ko namang lumalamih ang aking mga kamay dahil sa kaba.

Napalunok naman ako bago ako nag-salita. “A-Ah, a-ano kasi... H-Hindi niya talaga ako inutusan. Ginawa ko 'yon d-dahil..." napahinto naman ako dahil nakita kong binitawan ka agad ni Kean si Akio.

"Baka ginawa niya lang 'yon para makapatong sa 'yo."

Napatingin naman kaming lahat kay Yzabela nang sabihin niya iyon.

Tanginang babaeng 'to, sarap suntukin sa bungo.

E siya naman talaga 'yung may kasalanan, kasi may inilagay siya doon.

Kapal naman ng pag mumukha niyang sabihin iyon, napaka landi niya nga e.

"Tumahimik ka nga Yza—” Kofi was about to speak pero naunahan naman siya ni Yzabela.

"You should shut your mouth too." wika niyong si Yzabela.

Aba, halatang bonak 'to ah. Maganda sana kaso 'yung utak pang bata.

Let's Dance? (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat