CHAPTER 25

27 21 1
                                    

“I’m truly sorry for what she did to you last time. I'm very very sorry about that.”

Hinawakan niya naman 'yung balikat ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"H-Hayaan mo na, ’tsaka bakit ikaw 'yung humihingi nag pasensiya?” I chuckled awkwardly. “Okay lang 'yon, ’tsaka bumalik ka na sa dance room baka hinahanap ka na. Competition niyo na bukas." I said.

"Sorry talaga sa ginawa ni Yzabela sa ’yo. But if you need me, I'm always here for you.” she grinned.

Nginitian ko naman siya, "Good luck bukas." nakangiti kong sambit kaya nag paalam na siya sa akin at umalis upang bumalik sa dance room.

Kaya na iwan naman akong mag-isa rito sa bench, I decided na dito na muna ako upang mag pahangin.

Inangat ko naman ang aking tingin at tinignan ang maliwanag na kalangitan, dinadama ang hangin na dumadaloy sa aking katawan.

Napapikit naman ako at napasandal dahil doon sa masarap na hangin na tumatama sa aking katawan.

Kumusta na kaya sina Mama at Papa? gusto ko sila makausap ulit, gusto ko ulit marinig ang kanilang boses. 

Mabuti na lang at nakapag negosyo na si Mama dahil gusto niya talaga mag benta ng mga bulaklak. Pangarap niya iyon.

"Shan andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e." minulat ko naman ang aking mga mata at tinignan 'yung tumabi sa akin.

Si Kofi lang pala.

"Nakauwi ka na pala? saan ka pala galing?" I asked her.

"Gumala kami."

"Kami?" may kasama pala sya kanina?

"Si, Dewei."

"Kayo na ba? may something talaga sa inyo e." natatawang ani ko.

Umiling naman siya habang natatawang tumingin sa akin. "Hindi hindi, walang kami. We're just friends."

I grinned, “I see.”

"By the way, sa-sama ka bukas? competition namin."

"Oo naman, teka— 'di ba may rehearsals kayo ngayon? bakit umalis ka? okay lang ba sa kanila?" tanong ko sa kaniya.

"Sabi ni Kean may rehearsal pa mamayang gabi, mga six ng gabi at matatapos siya mga seven thirty. Papasok na sana ako sa dance room e, kaso nakita ko na nag lu-lunch pa pala sila, kaya umalis ako, umalis rin si Dewei at pumunta sa dorm niya. Kaya nag-lakad ako sa hallway, hanggang sa nakita kita rito.” she explained.

Ano? six hanggang seven thirty? nakakapagod 'yon. "Nakakapagod naman ’yon, six hanggang seven thirty? mabuti naman at nakakaya niyo.”

"Oo naman. Kung mananalo kami bukas, makakasali na naman kami sa isang competition ngayong November or December."

I smiled.

"Galing naman! sana talaga manalo kayo bukas, good luck." ngumiti uli ako.

"Sana nga. Sana walang dayaan ang mangyari, last time kasi nung sumali kami may dumaya. Hindi ko alam bakit nangyari 'yon, pero ginagawa namin ang best namin ngayon para manalo bukas. We prayed na sana walang dayaan ang mangyari."

Dayaan? totoo nga pala ang mga ganiyan? akala ko sa mga pelikula lang ’yan nangyayari.

"Nag lunch ka na ba Shan?"

Umiling ako, "Hindi pa, pero busog pa naman ako. Mamaya na lang siguro." at tumango naman siya sa aking sinabi.

"May sa-sabihin pala ako tungkol kay, Yza. Nag sorry na siya kay Kean pero ewan, hindi naman ata sincere 'yon ’tsaka sana naman huwag na niyang gawin 'yon. Baka mamaya malalaman na lang natin na matatanggal na siya sa troupe e.” pinilit ko naman na hindi matawa, ano ba kasi, bakit ba ginawa ni Yza 'yon, 'yan tuloy.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now