CHAPTER 27

24 20 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya.

"Umuupo siyempre." he sarcastically said. "Matulog ka na muna, malayo pa 'yung byahe papunta doon." he continued.

Pa simple ko namang inilibot ang aking tingin sa buong bus‚ nakatingin pala silang lahat sa amin. Nakatingin silang lahat sa puwesto namin ni Akio.

I don't know what's happening anymore.

Akala ko ba babalikan ako ni Sheyne, e bakit iba na 'yung katabi ko.

Lumayo naman ako sa kaniya kaunti at nilingon siya. "S-Sandali, may naka upo k-kasi jan‚ ang sabi ni Sheyne b-babalik siya a-agad-"

"She already told me earlier that I can seat here." singit niya kaya napatigil ako.

Sinandal ko na lang 'yung likuran ko sa upuan ng bus at napatingin naman ako sa labas ng bintana.

I like his scent.

Napaka bango.

Ano kaya ang pabango nito, halatang pampayaman talaga 'yung pabango niya e.

Pero na saan kaya si Sheyne? ang sabi niya kasi sa akin babalik siya pero hindi na siya bumalik.

"Kumpleto na ba lahat? aalis na tayo ha!"

Sumigaw naman ang driver ng bus, napasigaw naman 'yung mga ibang ka-klase ko dahi sa saya.

Naramdaman ko namang umandar na ang bus, agad akong tumingin sa bintana at nakita ko ang dalawang bus na umalis na at kami ang pang-huli.

Lumingon naman ako kay Akio na ngayo'y nakatingin sa akin pero inalis niya agad ang kaniyang tingin sa akin nang nilingon ko siya at nahuli ko siyang tinititigan ako. Nag kunyare pa.

Pero hinayaan ko lang 'yon at hindi ko na iyon pinansin.

"Alam mo ba kung saang bus sumakay si Sheyne?" paninimula ko rito.

"Nasa pangalawang bus siya, kasama 'yung varsity player." sagot niya habang nakatingin siya sa kaniyang cellphone.

He flipped his hair while he's staring at his phone.

Umiwas naman ako dahil doon.

Alam ko na kung sino ang kasama ni Sheyne, si Luke. Para-paraan din talaga itong si Sheyne ano, ibang klase.

Pero iniisip ko rin si Dewei. Alam kong kasama ni Kofi ngayon si Stan and I was wondering where he is.

Gustong-gusto niya pa naman si Kofi.

Ano kaya ang nangyari kay Dewei ngayon.

O baka kasama ni Dewei si Kofi? ay hindi ko na talaga alam kung ano ang ganap sa kanila. Basta ako naaawa ako para kay Dewei, minsan kasi nakikita niya si Kofi at Stan na mag kasama, nakikita ko rin sa kaniyang mga mata kung gaano siya nasaktan dahil doon. Napapansin ko rin na ang tahimik na niya, hindi na katulad ng dati.

"You should sleep, mamayang eight o'clock pa raw dating natin doon. Puwede mo naman isandal ulo mo sa balikat ko." narinig ko si Akio sa aking tabi kaya nilingon ko ito.

Narinig ko namang nag-sigawan 'yung mga estudyante rito sa bus dahil sa kilig. Mas lalo tuloy ako nailang.

Na pansin ko rin na hindi pala lahat ng estudyante na narito ay hindi namin ka-klase, may mga ka-klase kami na narito kaso kaunti lang ang nakita ko and the rest hindi namin ka-klase dahil hindi ako pamilyarado sa kanila.

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon.

Puwede pala sumama 'yung mga hindi kaklase namin? akala ko bawal.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now