CHAPTER 6

58 41 0
                                    

Umupo na si Tita sa harapan ng Principal pero ako naman ay naiwang nakatayo sa pintuan. Hindi ako maka-paniwala na nag kita ulit kami.

Siguro dito rin nag-aaral ’yung kasama niya. Si Akio.

“Shan, come here.”

Natauhan naman ako nang marinig ko ang mahinang boses ni Tita Janelle.

Agad naman akong nag lakad at umupo naman ako sa tabi ni Tita at nasa gilid naman ’yung Principal na tinutukoy ni Tita.

“Hello Shan, It's a wonderful pleasure to meet you here.” the principal told me and he smiled at me.

"Since first day of school mo ngayon. Bi-bigyan kita ng name badge, narito ang pangalan mo." pag-papatuloy ng principal at inabot niya sa akin ang maliit na name badge na kulay ginto.

Napatitig naman ako sa name badge na aking hawak-hawak ngayon. This is so nice.

"Also, tungkol sa uniporme mo, nasa dorm mo iyon. You can check it kapag nasa dorm ka na." pag papatuloy niya.

“Thank you.” pag-papasalamat ko sa principal na ito.

He smiled again. "By the way, nasa section A ka. But all of you are dancers. Iba kasi rito, may mga simpleng estudyante, may mga estudyante rin dito na may mga iba’t ibang talento. Section A ay para sa mga mananayaw, Section B naman ay para sa mga mang-aawit. The rest, ay para lang sa mga simpleng estudyante." the principal explained.

"Mas better na huwag ka muna mag palit ng uniform right now, bukas na lang. Good luck.” nakangiting sambit niya, wala na rin akong ma-sabi kaya nginitian ko na lang ito.

Bago kami lumabas doon sa principal's office ay nag pasalamat muna kami ni Tita at nang matapos iyon ay lumabas na kami upang puntahan ang magiging classroom ko.

Habang nag-lalakad kami sa Hallway, patuloy pa rin na tumatakbo sa aking isipan ang mangyayari ngayon.

Ilang minuto na rin kami nag-lalakad kaya tinanong ko na si Tita kung malapit na ba kami, "Malapit na ba tayo Tita?" I asked her.

She nodded. "Oo, malapit na."

Ang tahimik ng campus, malinis, mahangin, sobrang ganda pa na para bang nasa isang pelikula ako.

Sunod lang ako nang sunod kay Tita hanggang sa umakyat kami sa ikalawang palapag.

Halatang sanay na si Tita rito ah.

Nahihirapan din ako kung saan ang daan pabalik dahil sa sobrang laki ng campus. Pati na rin ’yung dorm na sinasabi ni Tita, hindi ko alam kung saan ang daan papunta doon.

Habang nag-lalakad kami ay napa-paangat ang aking tingin sa bawat pintuan na aming nadadaanan at tinitignan ang mga section. Pero bigla namang tumigil sa pag lakad si Tita Janelle sa harap ng pintuan, kaya inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang Section A.

Humarap naman sa akin si Tita Janelle at hinawakan ang aking mag kabilang balikat. "Nandito na tayo Hija— bakit ka namumutla?” she laughed.

“Chill ka lang, okay? remember, if you are having a problem, huwag kang mahihiyang tawagan ako. Sa-sabihan ko na rin mga magulang mo na tawagan ka kapag may oras sila. Basta, galingan mo ha?" and Tita Janelle kissed my forehead.

I can feel her lips pressing into my forehead, kaya napapikit ako dahil doon. After she kissed me ay ngumiti naman siya sa akin.

Humarap muli si Tita sa pintuan at kumatok naman siya, dahil sa ginawa niya ay napalunok naman ako dahil sa kaba at takot.

Kumatok ng dalawang beses si Tita at maya-maya pa ay bumukas ito at bumungad sa amin ang isang professor.

He is handsome.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now