CHAPTER 14

39 29 1
                                    

"Shanianah, can we talk? may gusto lang akong malaman."

Napalingon naman ako rito.

Nakita ko namang si Gelay ito.

I nodded and I grinned. "Ano po 'yon? ’tsaka malapit na gumabi. Anong ginagawa mo dito? dapat nasa dorm ka na." I talked to her.

She nodded too, "Yeah. Pupunta na rin sana ako sa dorm, kaso nandito ka rin pala. Kaya may ita-tanong lang sana ako sa 'yo. Saglit lang.”

Gelay was about to speak pero bigla namang nag-salita si Sheyne sa likod ko, kaya napalingon ako sa kaniya.  "Shan, a-akyat na ako ha? una na ako, para makapag-usap kayo ng maayos." matapos sabihin sa akin ni Sheyne ’yon ay umakyat na rin siya patungong dorm.

I faced Gelay again, "Ano nga 'yung gusto mong malaman? may problema po ba?" tanong ko rito.

"Tungkol sa narinig ko kanina, tungkol sa cafeteria. Matagal na ba kayong mag-kakilala ni Akio?"

I raised my two eyebrows dahil sa aking narinig.

I blinked my eyes so many times at halos hindi ko na alam kung ano ang sa-sabihin ko sa kaniya.

Mabilis naman akong napailing and I faked my smile. “Hindi, ngayon ko lang siya nakilala nung hiniram niya ’yung extrang ballpen ko.”

"Sure ka? narinig ko kasi kanina na mag-kaharap daw kayo roon sa cafeteria kanina. May nag-sabi pa na hinawakan niya raw ’yung kamay mo, totoo ba?”

I gulped at inilunok ang aking sariling laway.

Dami talagang marites sa paaralan na 'to. Kapal naman nila bigyan ako ng issue rito, tapos hindi naman totoo, hindi naman hinawakan ni Akio 'yung kamay ko.

"A-Ah, hindi totoo ’yon. Kinausap niya lang ako kanina tungkol doon sa ballpen na hiniram niya sa akin, umalis na rin siya agad pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. Hindi ko rin naman inaakala na marami pa lang nakatingin sa amin.” pag-papaliwanag ko sa kaniya.

Mahina naman siyang napatango sa aking sinabi, "Ah, 'yon lang tanong ko. Salamat sa pag-sagot.” she smiled, “ Akyat na ako ah?, have a nice night Shan, see you tomorrow." Iyon ang huling sabi niya sa akin bago siya umakyat papunta sa dorm niya.

Naiwas naman ako rito mag-isa at napanganga na lamang sa kakaisip.

Nag-seselos ba siya?

I think she is.

Nahihiya na tuloy akong pumasok bukas, may issue na agad ako e ka-kalipat ko pa lang.

Hindi naman ’to ka-kalat kung hindi ito kinalat ng isang tao. Alam ko namang may isang tao ang nag-kalat nito. Hindi naman siguro ito basta-basta ka-kalat.





Naka higa na ako ngayon, samantalang si Sheyne naman ay tulog na. Ang aga niya matulog, samantalang ako nahihirapang makatulog rito.

Habang nakatitig ako sa kisame ay bigla ko namang na-isip sina Mama, kamusta na kaya sila roon, pati na rin si Tita at Levin.

Ang sabi ni Levin sa akin ay li-lipat siya rito, pero baka inaasikaso niya pa.

Kinakabahan din ako para bukas, paano kapag pag-uusapan ako ng lahat rito dahil tungkol kay Akio. Ang dami pa namang karen at marites dito.

Inaamin kong maganda itong paaralan na ito, kaso nga lang, maraming marites. Kaunting galaw mo lang, may issue ka na agad. Na para bang binabantayan nila ang bawat galaw mo, lalo na kapag transferee ka rito.

Pero what if gusto ni Gelay si Akio, kaya niya tinanong sa akin 'yon kanina dahil baka gusto niya si Akio.

Iiwas nalang siguro ako kay Akio para iwas gulo.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now