CHAPTER 34

23 17 0
                                    

Nasa labas kami ngayon ng dance room. Lumayo kami kaunti roon dahil baka marinig daw 'yung pinag-uusapan namin.

"Ano pala 'yung sasabihin mo?" tanong ko sa kaniya.

Tinignan niya naman ako at na pansin ko naman siyang napalunok na para bang kinakabahan siya at may gustong sa-sabihin sa akin.

"Are you okay?" ani ko.

She nodded. "Okay naman ako." she replied.

Napayuko naman siya pero ka agad niya ring inangat ang kaniyang tingin at kitang-kita sa kaniyang mga mata na kinakabahan talaga siya.

"E kasi..."

Kumunot naman ang noo ko dahil dito. "Kasi?"

"Kaninang umaga, sa classroom... Nakita ko kasing mag kasama sina Kofi at Yzabela. Nag da-dalawang isip pa nga ako kanina kung sa-sabihin ko b-ba i-ito sa iyo dahil m-matalik mong kaibigan s-si K-Kofi." nauutal niyang sabi sa akin.

I really thought na si Marzanna 'yung may masamang balak sa akin‚ base kasi sa kaniyang awra, mukha siyang isang kontrabida sa isang pelikula. Pero mali ako dahil sobrang bait niya pala.

"Sabihin mo na lang ng diretsa-" I was about to speak but she cut my words.

"Pa-pasok na sana ako ng classroom that time, ang aga ko kasi kanina e. Nakita ko silang lumabas ng classroom, pero mabuti na lang hindi nila ako nakita."

"Sinundan ko sila ng patago, at narinig ko rin na pinag-uusapan ka nila nang pababa sila sa building. Matagal ko na rin kasing na pa-pansin umiiba si Kofi sa tuwing mag kasama kayong dalawa." she explained to me.

"M-May narinig k-ka ba sa pinag-uusapan nila kanina? can you tell me what's that?" gusto ko malaman kung ano ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin.

"Yeah." sumandal naman siya sa pader at inilagay 'yung kaliwang kamay sa kaliwang bulsa ng jogging pants niya.

"They talking behind your back. May balak sila, 'di ba gusto ka ni Akio at ni Kean?"

I gulped.

Napatigil naman ako dahil sa aking narinig.

"What are you talking about?" I asked her and I blinked my eyes twice.

But she didn't answer my question and she changed the topic. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung sinabi niyang gusto ako ni Akio at Kean.

"Last competition na sa December. After that, 'yung iba sa atin li-lipat na ng school kasi mag ga-grade eleven na tayo. Graduating. Pero 'yung iba mag co-continue dito." pag-iibang usapan niya.

Ang bilis ng panahon, next month birthday ko na. At kung mag ga-grade eleven na ako, siguro mag papatuloy na lang ako dito. Ayaw ko umalis sa troupe dahil alam kong dito lang ako ga-galing sa pagiging mananayaw.

First time ko makasali sa isang competition at sa December magaganap 'yon.

"Balik tayo kay Yzabela 'tsaka Kofi. May balak sila na hindi ka makakasali sa competition sa December, balak nilang siraan ka. Hindi ko alam kung bakit. Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo na kailangan mo mag-ingat?"

I nodded. "Oo, naalala ko. Hindi pa kita kilala nang mga panahong iyon."

"Bakit mo pala sinasabi sa akin noon na kailangan ko mag-ingat? manghuhula ka ba?" pagpapatuloy ko.

She chuckled and she shook her head. "No, alam namin ni Skylla 'yung totoong ugali ni Kofi. Mag kaibigan sila ni Yza. 'Tsaka naalala mo 'yung away niyo ni Yza sa classroom? tapos nasira 'yung pagkakaibigan nila ni Gelay." tumango naman ako.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now