CHAPTER 50

21 13 0
                                    

Bago ako lumabas ng tuloyan sa cliniv ay nag-usap muna kami ni Akio ng kahit ano. Ipinaliwanag niya rin sa akin kung gaano raw ako ka-mahal ni Kean, pagkatapos niyang ikuwento iyon sa akin ay lumabas na ako ng clinic at pumunta na ng dorm.


"Umiyak ka ba?” tanong sa akin ni Sheyne habang nakatitig siya sa aking mga mata.

"P-Paano ko b-ba sa-sabihin sa 'yo 'to." nauutal kong sabi sa kaniya.

Kumunot naman ang kaniyang noo, "Huh?" hinila niya naman ako sa dinala niya ako papunta roon sa dalawang upuan, umupo kami doon at hinarap niya naman ako.

Hinawakan niya naman 'yung balikat ko at tumingin sa kaniya. "Ano ba nangyari? can you tell me? makikinig naman ako." she said seriously.

Pumikit naman ako at bumuntong hininga, pinipilit kong pakalmahin 'yung sarili ko.

"Tell me, ano ba nangyari?"

"P-Pinatigil na ni A-Akio." nang sinabi ko 'yon, napayuko nalang ako at napakagat sa aking pang-ibabang labi.

Nahulog rin naman ako kay Akio, but slight. Nahulog ako sa kaniya kaunti dahil sa ugali na pinapakita niya sa akin kahit alam kong may something sa kanila ni Gelay.

Pero ngayon na nag-usap na kami ni Akio at nalaman niyang mahal ko pala si Kean ay mas lalong nangibabaw ang pag-mamahal ko kay Kean.

"Huh? do you mean..."
"Tinigil niya 'yung panliligaw sa 'yo?" tumango na lang ako bilang sagot.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit ng tumango ako sa tanong niya.

Hindi alam ni Sheyne na gusto ko si Kean at hindi niya rin alam na ’yung ginawa ni Akio sa akin ay isang pampa-panggap lamang. Kaya sinabi ko kay Sheyne lahat at na bigla naman siya sa nangyari at hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ni Akio.

Lalo na ’yung hoodie na ibinigay sa akin ni Akio ay hindi pala iyon sa kaniya, kay Kean pala iyon nanggaling. Kaya pala hindi pumayag si Akio na ibalik ko iyon sa kaniya dahil si Kean na mismo ang nag-sabi sa kaniya na i-bigay itong hoodie sa akin.

Gumagala rin kami minsan ni Kean, at inamin din ni Akio kanina na siya pala ’yung nag plano at gumawa raw siya nang paraan upang makagala kami ni Kean, and he did it successfully. Kaya mas naging malapit kami ni Kean sa isa’t isa.







Lumalalim na ang gabi, kaya napag-isipan na naming matulog ni Sheyne dahil maaga pa kami bukas upang i-handa ang aming mga gamit at ang aming da-dalhin bukas sa competition.

Ang bilis ng panahon at ang takbo ng oras, parang kailan lang nag-sisimula pa lang kami ngayon mag practice para sa competition.

Kinakabahan din ako para sa mangyayari bukas, first time ko pa namang makasali sa isang competition.

Sana manalo kami bukas.

Humihiga na ako ngayon sa kama dahil seven forty-five na ng gabi. Pinipilit ko ang sarili ko na matulog na dahil maaga pa kami bukas at ayaw kong matagalan ako ng gising.

Pero ayaw talaga ng mata ko.

Tangina.

Tumayo nalang ako sa higaan ko, at sinilip si Sheyne sa ibabaw ng double deck na ngayo'y mahinang humihilik.

Napangisi naman ako at pa dahan-dahang lumabas ng dorm.

Nang makababa na ako, tinignan ko naman 'yung kalangitan kung may buwan at mga bituin ba.

Tugma.

Kay ganda pag masdan ng mga bituin, lalo na 'yung maliwanag na buwan.

Pumunta naman ako sa bandang bench at tumayo na muna sa gilid para tignan ang magandang kalangitan.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now