CHAPTER 21

33 21 0
                                    

“I won't let you na magiging parte ka ng troupe na ito.”

Napalingon naman ako kay Yzabela na ngayo’y nakaupo sa aking tabi.

Ang asim niya tignan.

I looked at her for almost a minute pero ibinalik ko rin ang aking tingin sa bintana.

“Ayaw ko ng gulo.” I told her as I looked out the window.

Ramdam ko naman na nakatingin sa amin ang lahat ng ka-klase namin.

“Do you like Kean? I can smell it from here.” she whispered kaya napalingon naman ako sa kaniya at kalmadong tinignan siya sa kaniyang mga mata.

She sighed, "Alam mo, 'yung name badge mo?" napatingin naman ako sa aking name badge nang hinawakan niya iyon. "Hindi 'yan nararapat sa 'yo. I don't even know why are you here, it's funny, right?” she hissed.

“It seems like you don't know how to dance." nang dahil sa galit ay napayukom ang aking kamay.

“Bakit? dahil ba guilty ba sa nangyari? you’re guilty—” but she cut me off, “No, I'm not, grabe ka kasi makapatong kay Kean e. Wagas.”

Hindi na ako sumagot, ayaw ko naman kasi ng gulo. ’Tsaka hindi rin ako pumapatol sa maliliit ang utak.

"Ginagawa mo dito? umalis ka nga." Nagulat naman ako dahil malakas na hinila ni Sheyne si Yzabela kaya nadapa ito.

Agad namang sinamaan ng tingin ni Yzabela si Sheyne.

"Aray! ano ba?!"

"Narinig ko 'yung sinabi mo kay Shan. Tigilan mo 'yan, sampalin kita e—”

Hindi na natuloy ni Sheyne 'yung sa-sabihin niya dahil na pansin niyang pumasok si Gelay sa silid.

"Itigil niyo ’yan.”

“Tumayo ka na Yza. Pinapahiya mo lang sarili mo. You're so immature to make scene." walang emosiyon niyang sabi at tumingin sa akin.

Inilagay naman ni Gelay ang kaniyang bag sa kaniyang upuan.

Tumayo naman si Yza at pumunta sa harapan ni Gelay.

Dali-dali naman akong pinuntahan ni Sheyne sa aking tabi at hinawakan ang aking balikat habang nakikinig kay Gelay at Yza.

"Pati ba naman ikaw? ka-kampihan mo siya?” Yzabela glanced at her.

"Tumigil ka, Yza puwede ba? kung ayaw mo na marating ito kay Sir Rex at kay Kean, tumahimik ka, nakuha mo ba ’yung sinabi ko? baka gusto mong matanggal sa pagiging choreographer?"

Hindi naman sumagot si Yzabela sa sinabi ni Gelay, natahimik siya nang sabihin ni Gelay iyon sa kaniya.

Sana naman matanggal 'yan.

"Pinagsasabi mo? don't tell me na mag-susumbong ka?" Yzabela laughed.

Abnormal ba siya?

"Guilty ka ba sa nangyari kahapon?” Gelay asked ber seriously.

Napatingin naman ako sa bandang pintuan at nakita ko roon sina Marzanna, Kofi, Dewei, Skylla na nakikinig.

"Ako? guilty?” Yzabela smirked. “Ahas ka ba Gelay?’" nang dahil sa sinabi ni Yzabela, kinuha ni Gelay 'yung bag ni Yzabela na nasa tabi niya lang at malakas niyang itinapon ’yon sa sahig.

Ngayon ko lang nalaman na mag katabi lang pala sila.

"Ano ba sa tingin 'yung ginagawa mo?! bakit mo tinapon?!"

"Huwag kang tumabi sa akin, umalis ka. Hindi ako tumatabi sa mga ahas." kalmadong sabi ni Gelay at umupo sa kaniyang upuan. She grabbed her phone at kinuha rin ang kaniyang earphones at inilagay sa kaniyang mag-kabilang tainga.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now