CHAPTER 18

32 23 0
                                    

Nakatingin lang ako sa bintana habang 'yung mga kaklase ko ay sobrang maingay, hanggang ngayon wala pa ring pumapasok na teacher, wala pa rin sina Kean.

Inaabangan ko siyang pumasok dahil naalala ko ang nangyari kanina.

Ano ba kasi ang inilagay ni Yzabela?

Paano na kaya kapag ininom iyon ni Kean? may mangyayari kaya?

Sa-sabihin ko ba sa kaniya? o huwag na? kaso wala kasi siya dito.

Napatingin naman ako kay Yzabela kung saan siya nakaupo. Masaya naman siyang tumatawa kasama ang kaniyang kaibigan na si Gelay.

Agad ko rin namang inalis ang aking tingin sa kanila at ibinalik ko ang aking tingin sa puwesto nina Kean.

I'm still thinking and I'm wondering kung ano ang inilagay ni Yzabela doon.

Hindi ako mapakali.

"Shan? are you okay?” Kofi asked me kaya natauhan ako dahil doon.

Ang iniisip ko lang talaga, bakit ginawa iyon ni Yzabela? hindi kaya masama sa kalusugan ang inilagay niya sa tumbler ni Kean?

Ilang taon na kaya 'yung si Yzabela?

"Alam mo ba kung ilang taon na si Yzabela?" tanong ko kay Kofi.

"Sixteen pa 'yan." Kofi answered.

“Alam mo, sa tuwing may practice, walang ambag 'yan. Magaling naman siya sumayaw, pero hindi ko rin alam bakit naging choreographer pa 'yan e wala naman siyang ambag puro lang paganda, make up here, make up there." she continued and because of that I laughed softly.

"E si Kean ’tsaka Akio? ilang taon na sila?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Si Kean, seventeen pa 'yan. Tapos si Akio din seventeen."

"Why did you asked?" napalingon naman ako muli kay Kofi. “Wala naman. Hindi kasi halata sa kanila e, ang tangkad nila.

5’5 ako, hindi ko lang alam kung ano ang height nila. Sobrang tangkad nila.

"Matangkad talaga 'yan, pero—" hindi na natuloy 'yung sasabihin ni Kofi dahil biglang pumasok si Kean sa classroom at kasama niya si Akio.

"Tutal wala namang teacher na pumasok. Pumunta na kayo sa dance room. Practice tayo.” wika niya at kinuha ’yung bag niya ’tsaka lumabas kasama si Akio.

Agad naman akong natauhan at nag-mamadaling tumayo. "Tara na? dali bilisan natin." sambit ko kay Kofi at lumabas ng classroom.

Sa sobrang pag mamadali ko, hindi ko na napansin sina Sheyne at Dewei at hindi ako nakapag-paalam sa kanila.

"Hoy Shan! ano ba nangyayari sa 'yo? bakit ka ba nag mamadali? hindi pa ako nakakapagbihis. May nangyari ba, Shan?" sunod sunod na tanong sa akin ni Kofi.

Kailangan ko kasing bantayan si Kean, kailangan ko siyang mapigilan kapag iinumin na niya ’yung tumbler niya.

Na realize ko naman na hawak hawak ko pala ang kamay ni Kofi habang ako ay mabilis na nag-lalalakd. Binitawan ko naman ito at ka agad na tumakbo papuntang dance room.

"Teka lang, Shan! dahan-dahan lang sa pag-lakad, bakit ka ba nag mamadali? ’tsaka—” I cut her off, "Basta, magabang istorya." sabi ko sa kaniya habang sinusundan sila, Kean at Akio.

Lakad. Takbo. Lakad. Takbo, lamang ang ginawa ko upang maabutan sila at para makapunta sa dance room.

"Jusko ka, Shan. Ako 'yung kinakabahan sa 'yo e. Ano ba ang problema?" sambit ni Kofi habang hinihingal ito kakasunod sa akin.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now