64

180 16 11
                                    

Chapter 64

    Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko, bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Andres habang ang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ko.


"Ano?" mahinang tanong ko sa kanya. Inaantok pa ako.


"Wake up, may trabaho ka pa." aniya, ngumuso ako sa kanya. Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya, kahit bagong gising ay ang bango. Bakit ang unfair? Mabango kaya ang hininga ko?


"5 more minutes."


"No, Jade. It's time to wake up."


"Andres..."pagpipilit ko sa kanya, ano'ng oras na kami natulog kagabi, inabot na ata kami ng madaling araw dahil nanood pa kami ng palabas na siya lang naman ang nag-enjoy.


"Jade,"seryosong sabi nito, unti unti akong lumayo sa kanya sabay nguso. Limang minuto lang hindi pa ako mapag bigyan, damot niya a.


" Eto na nga e, "nakangusong sabi ko sa kanya.


Tumayo ito at dumiretso sa cr, tumayo na rin ako at pumunta sa kusina para tignan kung may pagkain na ba doon. Napangiti ako nang meron akong nakita, nagluto ulit siya. Kumain na kaya siya? Kailangan ko ba siyang antayin? E, nagugutom na ako.

Napatingin ako sa pintuan ng cr ng bumukas ito. Tumingin si Andres sa akin sabay tingin sa pagkain na nakahanda.


"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya, naglakad ito palapit sa akin at umupo sa tabi ko. Tumayo naman ako para maghanda ng dalawang pinggan, I guess hindi pa siya kumakain.


"May gagawin ka today?" tanong ko, bakit ang tahimik niya? Tahimik naman talaga siya pero parang may something ngayon. May kakaiba.


"Yeah," simpleng sagot niya. Iyon lang? Napakatipid!


"Aalis ka?" muling tanong ko.


"Pupunta ako sa site sa cavite." tumango na lang ako. Marami rin naman akong kailangan na tapusin ngayon, hindi ko kasi natapos ang iba kagabi dahil hindi kinaya ng oras.


Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Andres na aalis na siya, hindi man lang ako inantay! Nakanguso kong hinuhugasan ang pinag kainan namin. Siya naman nagluto kaya ako ang maghuhugas.


Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa closet para maghanap ng damit na susuotin. Ano bang magandang isuot ngayon? Kailangan ay tugma sa lugar kung nasaan ako.


Kinuha ko ang isang off shoulder button dress long sleeve, kulay itim ito. Saan ko ba binili ito? Binili ko ba o bigay? Hindi ko matandaan. Kitang kita ang suot kong kwintas na galing kay Andres, lumilitaw ang kagandahan nito dahil sa suot ko.


Kinulot ko ang buhok ko at naglagay ng light make up lang. Wala namang makakakita ng itsura ko dahil walang turista ngayon.


"Want to go outside?" tanong ko sa tatlo na nakaabang sa akin, natawa ako ng mahina ng mag unahan sila sa pinto dahil sa sinabi ko. Nasasanay na sila sa labas a.


"Magsusuot pa ba kayo nang diaper? Wala namang tao kaya walang makakakita ng poops nyo," kausap ko sa kanila, tanging pagtahol at pag galaw lang ng buntot ang ginawa nila. Sa huli ay sinuotan ko na lang silang tatlo ng diaper, mahirap na kapag tumae sila kung saan at bigla na lang matapakan.

" Tara,"


Paglabas ko ay agad kong nakita si Rupert, mag isa lang ito at wala sa sariling naglalakad. Ano'ng problema nito? Nasaan ang kasama niyang babae?


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Kde žijí příběhy. Začni objevovat