06

198 12 1
                                    

Chapter Six

  Tahimik akong naglalakad papunta sa garden. Totoo nga ang sinabi ni mama, mas maganda rito kapag madilim na. Ang mga puting ilaw na nakasindi sa gilid ng pool ay mas lalong nakakaganda ng garden nila. Mas lalong tumingkad ang kulay ng mga bulaklak na narito.

"Hindi ka makatulog?" agad kong nilingon ang gilid ko ng marinig ko ang boses ni Alfred.


Ngumiti ako sa kanya. "Hindi e, nagpapantok lang." sambit ko." Ikaw ba?"balik tanong ko sa kanya.


" Hindi rin, hindi pa ako sanay." aniya.


Ganyan din naramdaman ko noong mga unang araw ko rito. Nahihirapan din akong matulog. Hindi rin ako sanay gaya niya.


" Masasanay ka din,"sabi ko.



Naglakad ako papunta sa mga upuan, napatalon ako sa gulat ng makita ko kung sino ang naroon. Agad tumakbo palapit si Fur sa akin. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita a, hindi kasi siya talaga bumababa.


" Good evening ho, sir." bati ni Alfred. Babatiin ko ba siya? E, hindi niya nga ako kinakausap. Wala akong narinig na salita mula sa kanya, tumango lang ito at lumingon sa gawi namin. Muli na naman bumilis ang pintig ng dibdib ko nang mag tama ang paningin namin. Mabilis kong nilipat ang tingin kay Fur na nasa paanan ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Umupo ako para hawakan si Fur, nanginginig ang kamay ko! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit sa kanya? Bakit pakiramdam ko ay may maganda at hindi magandang mangyayari? Ano ba 'yan, dapat ko na atang tanungin si Adelaida.

"Fur, come here."napanguso ako ng tawagin niya si Fur, mabilis na lumapit sa kanya ang aso. Hindi niya ba nakikita na nilalaro ko?

Tumayo ako at tinignan sila. Kailangan ko na atang bumalik sa kwarto, baka magkasalubong pa kami. Ayokong mangyari iyon.

" Mauna na ako, Alfred."sabi ko ng tignan ko siya.


" Ha? Sige, sleep well."aniya, nginitian ko siya. Nilingon ko si Andres na nakamasid lang sa alaga niya.

"Sige,"

Naglakad na ako pabalik sa loob. Gusto ko sanang puntahan si Mama pero baka tulog na ito, anong oras na kasi. Maaga siyang nagigising. Kailangan niyang makabawi ng tulog.

Muli na naman akong napatingin sa library nila, nakasara na ito. Gusto kong pumasok pero baka ikapahamak ko lang. Kapag medyo close na kami ni Tasha ay magpapaalam ako sa kanya. Pakiramdam ko ay maraming magagandang libro ang narito sa library nila.

"Do you want to get inside?" napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Andres sa likuran ko. Shocks! Ang bilis naman ata niya! Parang kanina lang ay nasa baba siya a.

"Ah?" maang na tanong ko ng tumingin ako sa kanya.


"Lagi kang nakatingin dito, gusto mo bang pumasok?" napalunok ako dahil sa lamig ng boses niya. Bakit ang hot niyang pakinggan kapag nagtatagalog siya? Hindi fluent ang pagtatagalog niya, may slang pa!


"Masama bang tumingin diyan?"balik tanong ko sa kanya, kumunot ang noo nito at dahang dahang ngumisi. Bigla tuloy akong kinilabutan!

" I didn't say that. I'm just asking you if you want to go inside."nakangising sabi nito, mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo!

" Hi—ndi,"gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil pumiyok ako.

" Ok, "aniya.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at naglakad papunta sa kwartong tinutuluyan ko. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng mapahinto ako dahil sa pag tawag niya sa pangalan ko! Pangalan ko!


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now