54

119 4 0
                                    

Chapter 54

    "Cheers to us!" malakas na sabi ni Aivan, itinaas nito ang boteng hawak kaya ganoon din ang ginawa namin.

"Congrats!" sabay sabay naming sabi.


Nandito kami sa bar kung saan pumunta rin kami nong graduation ko. Dahil tapos na ang celebration with family ay nandito kami ngayon. Ang sarap sa pakiramdam, lahat ng hard works namin ay tapos na at worth it lahat.

" Baka malasing ka na naman a," sabi ni Aivan sa akin, ngumiwi ako sa kanya. Wala na akong balak!

"Hindi na," sambit ko.


Hinila ako papunta nila Rachel sa dance floor, agad kong sinayaw ang katawan ko. Sinigurado kong makakasabay sa beat ng music ang pag sayaw ko. Nagugustuhan ko na rito!


"Hey, we met again." agad kong nilingon ang nag salita, ngumiti ako ng makita kung sino ito. Hindi ko natanong ang pangalan niya pero siya 'yong lalaking nakita ko isang araw.


"Hi," nakangiting sabi ko, sinilip ko ang mga kaibigan ko. Dumako ang tingin ko kay Aivan na busy sa pakikipag usap, hindi naman niya siguro ako kita dito.


"I'm, Clark." nilahad niya sa harap ang kanyang kamay, wala namang masama na makipagkaibigan 'di ba?


"Aj," sambit ko sabay abot ng kamay niya. Ang lambot ng kamay niya a!


"So, what's the meaning of Aj," tanong niya.


"Amarine Jade," sambit ko. Nakatayo lang kami dito sa dance floor habang nag-uusap.

"Long," aniya, tumango ako.


Kumaway na lang ako sa kanya ng hilahin ako ni Ade papunta sa kanila, nakabusangot akong tumingin sa kanila. Lagi na lang, lagi na lang silang harang!


"Sino 'yon ha?" tanong ni Ade sa akin.


"Clark daw e," sagot ko, umangat ang kilay nito sa akin.


"Siya 'yong nakaraan' di ba?" tanong ni Rachel sa akin, tumango ako sa kanya. Lumaki ang ngisi nito sa akin kaya sumimangot ako sa kanya.


"Dalawang beses na kayong nagkikita ngayong linggo, kapag tumatlo iyan alam mo ba kung anong ibig sabihin?" tanong nito sa akin, kumunot ang noo ko saka umiling. Ano'ng pinahihiwatig niya?


"Meant to be kayo!" isang mahinang batok ang natanggap niya kay Seb, agad siyang sumimangot kaya hindi ko maiwasan ang matawa.


"Gaga ka," natatawang sabi nito, napailing na lang ako at muling sumabay sa daloy ng musika.


"Are you drunk?" tanong ni Ade sa akin, agad naman akong umiling sa kanya. "Hindi, isang bote lang ang ininom ko at wala akong balak na mag lasing."

"Good 'yan,"


Ilang minuto pa ang tinagal namin sa dance floor bago bumalik sa pwesto namin, kahit kailan ang mga lalaking kasama namin ay ang KJ, hindi man lang sumayaw.


"Ang kj nyong kasama," sabi ni Ade sabay upo sa tabi ni Kian.


"Bakit naman?" tanong ni Aivan, tinignan ko ang dalawang babaeng katabi nito, napailing na lang ako saka kumuha ng isang bote at binuksan ito.

"Ayaw nyo sa dance floor?" tanong ko saka sinandal ang sarili sa sofa. Nakaramdam na ako nang pagod a.

"Di namin trip," si Marvin ang sumagot, kasama nito si Tanya. Ngumiti ako sa kanya ng magtama ang paningin namin, ang ganda niya talaga.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon