61

160 9 1
                                    

Chapter 61

   Isang linggo na simula ng umpisahan nilang ayusin ang opisina. Hindi naman ganoon kabilis ang progress dahil tatayuan pa ng café sa gilid kaya kailangan ay paglaanan talaga ng oras.

Ngayon ay nandito ako sa kwarto, binabasa ang ilang mga suggestion para dito sa resort. Meron daw talagang ganoon, sabi ni papa. Pero bukas ay off ko, saan kaya pwedeng ayain si Andres?

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito. Ngumiti ako kay Andres ng makapasok siya. Humalik ito sa aking noo bago ilapag ang bitbit niyang pagkain. Delivery boy ko na talaga siya, sa tuwing nakakalimutan kong kumain ay bigla na lang siya magpapakita.  Dito na rin siya nananatili, katabi lang ng room na tinutuluyan ko. Magkasama sila ni Hudson ng kwarto.

"You forgot to eat again," aniya.

"I'm sorry, I was busy." sambit ko.


Hinila nito ang isang upuan patabi sa akin saka umupo doon. Nakaharap ako sa laptop habang nasa gilid ko siya, waiting him to feed me.


"Eat first, Jade." seryosong sabi nito, tinignan ko siya saka binuka ang bibig ko. "Feed me." sambit ko, ngumisi ito saka umiling. Sinubuan ako nito kaya ngumiti ako sa kanya.


"it's my off tomorrow, where do you want us to go?" tanong ko.


"Anywhere you want," aniya, ngumuso ako sa kanya. "I forgot, hindi mo pa rin ako tinuturuan na magmaneho." sambit ko, bigla ko na lang naalala.


"You still don't know how to drive?" nagtatakang tanong nito sa akin, nahihiya man ay tumango ako sa kanya. "Marunong naman pero ayoko when it comes to a road." sambit ko.

"You should conquer your fear, Jade." aniya.


"Tsh," tanging nasabi ko na lang.



Tinamad akong tapusin muna ang ginagawa kaya naman ay inaya ko siyang lumabas. Hindi pa naman kailangan ang ginagawa ko, tatapusin ko na lang mamaya.

Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa opisina, ngumiti si Sam sa akin ng magtama ang paningin namin, bahagyang kumunot ang noo ko ng makita si Charlotte na katabi si Hudson, ngumiti ito sa akin at naglakad palapit.

"Hi, Aj!" sabi nito, bumitaw ako kay Andres at niyakap siya. "Long time no see!" sambit ko.


Natawa ito bago humiwalay, "Yeah," aniya.



"I heard you own this resort."



Umiling ako sa kanya. "No, this is not mine. It's my dad's."sabi ko sa kanya.


" Ganoon na rin 'yon."aniya, ngumiti na lang ako sa kanya.


Naiwan kaming dalawa ni Charlotte dahil may kailangang puntahan ang dalawa. Hindi ko naman alam kung saan dahil hindi ko na rin naman tinanong kay Andres.


" How's your heart? "Charlotte asked, nakaupo kami habang nakatingin sa karagatan.


" It's fully healed. "nakangiting sabi ko sa kanya.



" Naks, congrats."aniya. Tinignan ko siya." How about yours?"tanong ko sa kanya.



Nagkibit balikat siya." I'm starting again." may bahid na lungkot na sabi niya.



" Hindi ka pinapansin? "tanong ko, umiling ito." Sayang lang ang pagpunta ko rito. " agad akong nakaramdam ng lungkot, napagdaanan ko rin ang pain na nararamdaman niya ngayon.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin