11

176 12 0
                                    

Chapter 11

  Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng mall. May isang lalaking lumapit sa kanya nang makababa kami, inihagis niya ang susi dito na agad naman nasalo.

"Take care of my car," aniya sa lalaki.


"Yes sir," sagot nito.

Nauuna siyang maglakad, hawak niya ang kadena ni Fur habang nasa baba ito. Nakasuot ng diaper si Fur kaya pwedeng pumasok sa loob ng mall. Nilingon ako ni Andres kaya napahinto ako sa paglalakad.


"You want to hold her?" tanong niya sa akin, nakalahad ang tali ni Fur sa harapan ko.


"Sure," sambit ko.


"Here," kinuha ko ang tali sa kanya, hindi na siya nauunang maglakad sa akin. Nasa gilid ko na siya habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa nang kanyang pantalon. Ang lakas talaga ng appeal niya. Ang mga babaeng nakakasalubong namin ay napapatingin talaga sa kanya.

"Do you already have a school supplies for your class?" tanong nito ng makapasok kami sa loob ng bookstore. Isang buwan pa bago mag-umpisa ang klase kaya naman ay hindi pa gaanong kadami ang tao dito sa loob.



"Hindi pa ako nakakabili," sambit ko.

Kumuha siya ng basket, nauuna siyang maglakad kaya ang ginawa ko ay sumunod lang sa kanya. Tumitingin tingin din ako ng mga gamit lalo na ng mga libro. Kailan ba kami mamimili ni Adelaida? Ang sabi niya kasi sa akin ay sabay daw kami.

" Why don't you buy today?"


"Kasabay ko ang pinsan kong mamili," sagot ko, wala na akong narinig na salita mula sa kanya.


Busy na siya sa pamimili kaya medyo lumayo na muna ako para mag tingin-tingin. Hindi ko alam kung magkano ang budjet ko sa pamimili ng gamit para sa school. Ano ba mga kailangan? Hindi naman siguro kailangan ng maraming notebook.

Napatingin ako kay Fur ng biglang tumahol ito, tinignan ko ang tinatahulan niya. May isang shi tzu akong nakita. Parehas silang nagtatahulan.


"Fur, behave."saway ko sa kanya pero hindi siya nakinig sa akin. Dahil napapatingin na ang ibang tao sa amin ay hinila ko na ang tali niya pero hindi man lang ito sumunod. Nagmatigas pa siya at patuloy sa pagtatahol. Nasaan na ba ang amo nito, nagpalinga linga ako para hanapin si Andres pero hindi ko siya nakita.


Umupo ako para bitbitin na lang si Fur, saktong pagtayo ko ay may isang lalaki na nasa harapan ko. Agad kong napansin ang tali na hawak niya. Siya ang amo ng shi tzu na tinatahulan ni Fur!

"Hi, is that your dog?" tanong nito sa akin, matangkad siya kaya kailangan kong tumingala para tumingin sa kanya.


"A, no."agad na sagot ko.

" Ah, I thought it's your dog. She or he?"muli na naman niyang tanong. Bakit this past few days ay may bigla bigla na lang kakausap sa akin at para bang close ko na sila. Hindi naman sa ayaw ko pero, ganito ba talaga sa maynila?

" She,"


" My dog is a boy,"aniya. Napatingin ako sa aso niya na nakatingin kay Fur, kaya siguro natahol dahil gustong makipaglandian.


" Ah,"tanging na sabi ko na lang.



" You're alone?"


Mabilis akong umiling sa kanya," No, ma-



"She's with me," mabilis kong nilingon si Andres ng marinig ko ang malamig niyang boses.


"Where have you been?" nakakunot na tanong nito sa akin, nagkamot na lang ako ng ulo. Bakit bigla ay ang sungit niya?


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now