33

128 7 0
                                    

Chapter 33

   Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago pindutin ang doorbell nila. Ilang segundo lang ay bumukas na ito, nakaangat na agad ang kilay ni Andres sa akin ng magtama ang paningin namin. Ganyan na lang siya lagi? Kelan ba bubungad na nakangiti naman siya? Pasalamat siya ay guwapo siya.

"Come in," niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Wala sa plano ko ang pumasok sa unit nila, ang akala ko ay iaabot niya sa akin!


"A---


Hinila niya ako papasok sa loob, kinagat ko ang ibabang labi ko ng isara niya ang pinto. Alam kong siya lang ang mag-isa dito dahil si Tasha ay nasa unit namin! Bakit ba naisipan kong kunin ngayon? Pwede ko namang bukas na kunin 'di ba?


" Take a sit,"


Umupo ako sa isang mabahang sofa. Pumasok siya sa isang kwarto, mukang iyon ang kwarto niya. Hindi naman siya nagtagal doon at lumabas din siya agad bitbit ang paper bag na may lamang libro. Tumayo ako para salubungin siya.


"Sa---


" Stay here for a while, Jade. "seryosong sabi nito sa akin, marahan akong tumango at bumalik ng upo sa sofa. Binuksan niya ang TV at umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko ng hawakan niya ang kamay ko at ipatong ito sa hita niya.


Hindi ko pa siya sinasagot right? Pwede ba iyon? He already kissed me! Pwede ba iyon kahit hindi pa kayo official na in a relationship? Ganon ba talaga? So ibig bang sabihin ay kailangan ko na siyang sagutin?



"Are you nervous?" halata ang pang-aasar sa tono niya. Ngumuso ako at mahinang tinampal ang kamay niya.



"Hindi a," kunyaring lakas na loob na sabi ko, nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Kinurap kurap ko ang mata ko, ang bango niya talaga!


"A--no?" kinakabahang tanong ko sa kanya.


"I want to taste your lips again," umawang ang labi ko, inaakit niya ba ako? Kasi kung oo ay naaakit ako, gusto ko rin ulit! Ayy, ang harot ko! Medyo lang naman.

"A--


" Can I?"husky nitong tanong sa akin, dahan dahan akong tumango. Nakita ko ang pag ngisi niya bago tuluyang ilapat ang kanyang labi sa akin, ipinikit ko ang aking mata at muling dinamdam ang init na sensyason na muli kong nararamdaman.


" Your lips...taste sweet." seryoso nitong sabi ng maghiwalay ang labi namin.


"You are my first," pag-amin ko.


"I know," inismiran ko siya ng mahina siyang tumawa. Umayos ito ng upo, nang makalayo siya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.


" Hindi kita maihahatid bukas," mabilis ko siyang nilingon ng sabihin niya iyon. Bakit? Bigla tuloy akong nalungkot.


"Why?" tanong ko.



"I have an early class." sagot nito, tumango ako. Bakit pa iba-iba ang schedule nila? Wala ba silang permanent schedule?


"But...save your lunch tomorrow. Sabay tayong kakain,"


"Dalawang oras lang ang vacant time ko bukas." sabi ko sa kanya. Hindi naman pwedeng bumyahe siya bukas sa school, bawal maglabas-labas 'di ba?


"And?" ngumuso ako.



"We have a group activity tomorrow. Sa vacant namin gagawin," sabi ko sa kanya. Hindi ako nakarinig ng salita sa kanya kaya tinignan ko siya. Seryoso ang tingin niya sa TV.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now