12

150 12 0
                                    

Chapter 12

    Kanina pa ako nakatulala sa harap ng laptop na binigay ni Tasha sa akin. Nakapatay ito, i don't know how to use it kasi hindi naman ako nagkaroon ng ganito, natatakot ako na baka may mapindot akong kakaiba at masira pa. Gusto kong tawagan si Ade pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari hanggang sa hindi niya na maituturo sa akin kung paano gumamit nito.


"Tititigan na lang kita?" mahinang tanong ko sa kanya na para bang sasagot ito.



I let a heavy sighed. It's already 9 in the evening. Siguro ay gising pa si Alfred, sa kanya na lang ako magpapaturo kung paano ito. Dahan dahan kong kinuha ang laptop at marahang binuksan ang pinto, sinilip ko na muna ang hallway bago maglakad. Hindi ko pa naihahakbang ang paa ko ng marinig ko ang boses ni Andres sa likuran ko, mariin akong pumikit bago humarap sa kanya.

"You can't sleep?" tanong nito sa akin, gustuhin ko mang itago ang laptop na hawak ko ay huli na, nakatingin na siya dito.

"Ah, no, I mean, pupuntahan ko lang si Alfred."sambit ko.


" For what?" bigla akong nagtaka dahil sa lamig ng boses nya.


Nakakahiya naman kung sasabihin ko ang totoo sa kanya!


" Ah, haha. Magpapatulong lang naman ako kung paano gamitin ito," diretsong sabi ko, kinagat ko ang ibabang labi ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Gusto ko na lang bigla magpalamon sa kinatatayuan ko.


Tinagilid nito ang kanyang ulo, ngayon ko lang napansin ang suot niya. Black shirt and a pair of black pajama. Ang cute niyang tignan, his hair is kinda messy na nagpadagdag ng appeal niya.



"I can teach you if you want," mahigpit kong hinawakan ang laptop dahil sa sinabi niya. Isa lang ang napansin ko sa kanya, he's too honest and he can say whatever he wants to say!


"Ah haha, no need. I think, Alfred can teach me. Naka–


" I'll take that as a yes, Jade." one more thing, he likes to cut my words while talking. Medyo rude siya a.


" An—


"Come to my room," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong sabi niya? Papasok ako sa kwarto niya? At bakit naman ako papa—


"Kung gusto mo ay sa kwarto mo na lang," dagdag nito.


Nagpakawala ako ng awkward na tawa, "Much better," sambit ko. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko ay hindi na pwede. You already said yes to him, Aj. Great, just great.

"Lead the way, I'm not busy."nilahad pa nito ang kanyang kamay habang nakaturo sa kwartong tinutuluyan ko.


Huminga ako ng malalim bago buksan ito, nilakihan ko ang pagkakabukas. Nauna akong pumasok sumunod naman siya agad. Sana ay hindi kumatok si mama dito o pumunta. Kung may kailangan naman si mama sa akin ay tatawagan niya ako.


Nilapag ko ang laptop sa study table. Isang upuan lang ang naroon, mahina akong tumikhim saka humarap sa kanya.


"Ikaw ang maupo,"


"No, ikaw ang uupo." aniya, mabilis akong umupo ng maglakad siya palapit sa study table. Ramdam ko na ang presensya niya sa gilid ko kaya ang pintig ng dibdib ko ay hindi ko na naman mahabol.


Bahagyang yumuko ito para buksan ang laptop na nasa harapan ko, pinigilan kong ipikit ang aking mata dahil sa amoy niya. Ang bango niya! Mukang kakagaling niya lang sa shower. Bigla tuloy akong na conscious sa amoy ko. Simpleng sabon lang naman kasi ang gamit ko. Amoy safeguard ako.



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now