17

128 10 3
                                    

Chapter 17

   Nakabukas ang TV habang ang atensyon ko ay nasa hawak kong cellphone. Naisipan kong hanapin ang social media accounts ni Andres, nakita ko ang FB, Twitter at Instagram niya pero lahat ng iyon ay naka private kahit wala naman siyang post. Masyado naman siyang pribadong tao, hindi nakakatuwa. Biro lang.

Umayos ako nang upo, hinanap ko ang pangalan ni Atasha, napangiti ako ng makita agad ang pangalan niya sa facebook, hindi siya naka private, kakashared post niya lang din ngayon. Dumiretso ako sa photos, hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang album na pangalang 'Andres' puros stolen pictures ang nakapost dito, alam kaya ni Andres ito? Kahit stolen ay ang gwapo pa din.


"Hindi ka pa rin tapos mang-stalk?" mabilis kong pinatay ang cellphone ko ng marinig ko ang boses ni Ade sa gilid ko, inurong nito ang paa ko at umupo sa tabi ko.


"Ha?" maang na tanong ko.


"Hakdog," walang kwentang sagot niya. Napatingin ako sa hawak niyang pinggan, bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.


"Bakit dito ka kumakain?" takang tanong ko sa kanya, anong silbi ng lamesa kung dito siya kumakain?


"Ano bang pake mo? Walang TV sa kusina e," aniya, inismiran ko na lang siya.


"Isang linggo mo nang hindi nakikita si crush, ano? Awit."

"Manahimik ka,"


"Kaya hinanap mo na 'yong mga account niya, nakita mo ba?" umiling ako sa kanya, mahinang hinampas niya ako kaya inis akong tumingin sa kanya.


"Ano ba?!" kunyaring naiinis kong sabi sa kanya.


"Ang init ng ulo mo, bakit ba kasi hindi mo na lang tawagan?"


Paano ko tatawagan? Wala naman akong number nila.



"Ang hina mo, number lang wala ka." sinimangutan ko siya. Hindi naman ako katulad niyang makapal ang mukha.


"Anong gusto nyong ulam?" nawala ang atensyon ko kay Ade ng mag salita si Alfred mula sa kusina.


"I'm eating right now, Alfred." sabi ni Ade sa kanya.


"Ako hindi pa," tumayo ako at hindi pinansin ang tawag ni Adelaida, naglakad ako papunta sa kusina, nabutan kong naghahanda na si Alfred ng mga kakailanganin niya.


"Teach me how to cook," sabi ko sa kanya.



"You want?" aniya, mabilis akong tumango.



"Huwag mong susunugin ang condo, Aj!" sigaw ni Ade, kahit kailan ang lakas ng pandinig niya.



"Papansin," irap matang sabi ko, narinig ko ang pag tawa ni Alfred.


"Alright, I'll teach you."



Sinigang na baboy ang ituturo niya sa akin, nakaramdam ako ng excitement dahil isa ito sa mga paborito kong ulam. Eto ang madalas na niluluto ni mama sa akin kapag uuwi siya sa bicol.


"Madali lang ba iyan?" tanong ko sa kanya, hinihugasan niya na ang baboy.


"Hmm, medyo," aniya.


Inihanda niya na ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. Inangatan ko siya ng kilay ng iabot niya sa akin ang kutsilyo at dalawang piraso ng kamatis.


"Aanhin ko 'yan?" kunot noong tanong ko sa kanya.


"Subukan mong titigan, mahihiwa iyan,"


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora