19

132 9 0
                                    

Chapter 19

  Nakatingin ako sa harap ng salamin habang inaayos ang aking buhok. Mas maganda bang nakalugay o nakapusod? Bumuntong hininga ako saka umupo, kailangan ko bang mag lagay ng make-up? Required ba iyon ngayong college? Pero ang dami kong nakikitang nag aayos na mga college students.

Today is the first day. Ang unang klase ko ay alas diyes ng umaga, alas otso pa lang pero nakahanda na ako para umalis. Mahirap ng ma-late kapag first day, nakakahiya.


Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito, ngumuso ako kay Ade ng magtama ang paningin namin. Mahinang tumawa ito bago lumapit sa akin.


"Masyado kang maaga," aniya.


"Nakakahiyang ma-late." sagot ko.


Mas lalong humaba ang nguso ko ng tignan niya ako. Gusto ko maging disente ngayong unang araw ng pasukan. Kanina pa ako kinakabahan kahit na narito pa rin ako sa condo.

"You look nervous,"


"Hindi ko mapigilan," sambit ko, marahang hinaplos niya ang aking buhok. Kumuha ito ng suklay saka sinuklayan ang buhok ko.


"Talian kita," mabilis akong tumango sa kanya saka umayos ng upo. Naghanda ako san rio para gamitin niya.

She started to braid my hair, dalawang braid ito sa magkabilaan, hindi naman mahigpit ang pagkakatali niya. May ilang hibla ng buhok na nakawala pero hindi naman mukang magulo na tignan.


"Huwag kang magpapasaway anak, ah."mahinang hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. Nagawa niya pang magbiro!


" Kumalma ka, Aj. Hindi ka naman kakainin ng mga kaklase mo,"aniya.


" Mababait kaya sila?"tanong ko sa kanya.


" Kapag mabait ka rin sa kanila, "aniya." Tara na, ihahatid kita. "


" Wala kang pasok ngayon?"tanong ko sa kanya.



" Meron, pero mamayang one pa ang pasok ko, mahahatid pa kita."


"May driver na pala ako," mahinang hinampas niya ako. "Tara na?" tumango ako sa kanya.



Inayos ko ang damit ko, naka white shirt ako at black jeans. May dala rin akong ekstrang damit in case na kakailanganin ko mamaya.


Paglabas ko ay saktong paglabas din ni Alfred mula sa kwarto niya, parehas silang ala una pa ang pasok. Hindi ko alam kung ihahatid ba siya ni Adelaida mamaya.

"Good luck," aniya.


"Sa inyo din,"


"Tara na," naunang maglakad si Ade kaya kumaway na lang ako kay Alfred. Kumaway naman ito pabalik sa akin.


"Anong oras ang end ng class mo?" tanong ni Ade sa akin, kaming dalawa lang ang nakasakay sa elevator ngayon.


"Five ng hapon, may tatlong oras akong vacant e. Uuwi pa ba ako?" tanong ko sa kanya.


"Ikaw bahala," aniya, ngumuso ako. Saan naman ako pupunta sa loob ng tatlong oras?


Inunlock niya ang sasakyan kaya agad akong sumakay sa front seat. Umikot ito papunta sa driver seat, kinabit ko ang seat belt ko saka umayos ng upo.


"Magkaklase kayo ni Tasha?" tanong ko sa kanya.


"Yep, may isang sub lang hindi."aniya.



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin