10

174 11 0
                                    

Chapter 10

  I crossed my two fingers while sitting in front of my phone. Today is the result of our exam in UP, gustuhin ko man maging kalmado ay hindi ko magawa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang anytime ay lalabas ito sa dibdib ko.

Ipinikit ko ang aking mata nang mabilis ko itong pindutin. Idinilat ko ang aking isang mata, napatili ako ng mabasa ang congratulations doon. Mabilis akong tumayo at nagtatalon-talon sa sahig.


"Yes! Pasado ako!" nakangiting sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa cellphone ko.


Kinuha ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas ng kwarto, saktong pagbukas ko ng pinto ay siyang pagbukas ng kwarto ni Andres. Mabilis na napawi ang ngiti sa labi ko, ang kabang nararamdaman ko ngayon ay hindi na dahil sa result. Ibang kaba na!


"You look happy," aniya, casual lang naman ang suot niya. Pero bakit ang gwapo niya pa ring tignan?


Mahina akong tumikhim,"Ah, haha. Kalalabas lang kasi ng result ng exam."sambit ko. Shocks! Buti na lang at hindi ako nautal!


" Then? You passed?" wala sa sariling tumango ako at ngumiti. Agad ko rin naman tinanggal ang ngiti ng mapagtanto ko ang ginawa ko. Kahit kailan nakakahiya ka talaga, Jade!


" Congrats, "aniya,


" Salamat," sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa malagpasan niya ako. Napasandal ako sa pintuan habang nakahawak sa dibdib ko. Muli ko na naman naalala ang pag-uusap namin ni Adelaida nakaraan.


" So, spill it na, Aj." umayos ako nang upo. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya.


"Do you like your boss?" gusto ko siyang hampasin ng unan na hawak ko dahil sa tanong niya. Wala man lang pa humps? Dire diretso talaga?


"Hindi," pagsisinungaling ko. Ang kaninang plano kong hampasin siya ng unan ay sa akin niya ginawa. Ngumiwi ako, ang sakit kaya! Ang bigat pa naman ng kamay niya.



"Liar, I know you, Amarine. Like mo na ano?" nagkibit balikat ako, akmang hahampasin niya na naman ako ng unan ng lumayo na ako sa kanya.



"Alam mo naman na pala bakit nagtatanong ka pa?" ngumisi ito ng nakaasar sa akin.



"Naku, dalaga na ang Aj namin," napaface palm ako dahil sa sinabi niya. Simula nang nireregla na  ako ay 'yon na ang umpisa bilang pagdadalaga ko.


"Magtigil ka nga," kunyaring asar na sabi ko.



"He's rich, Aj. Ang bilis mo naman ata,"


"Tsh, like lang iyon, Ade. Hindi na lalagpas."sambit ko.


" Ulol, 'wag ako. Alam ko na ang mga ganyang scenario. Magkasama kayo sa iisang bubong, hindi imposibleng lumalim iyang nararamdaman mo," aniya sa akin. Bigla akong napaisip. Masyadong malayo ang agwat naming dalawa sa isa't isa. Kailangang maaga pa lang ay pigilan ko na kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Mababaw pa ito, alam ko. Huwag na sanang lumalim pa.


" Ewan ko sa'yo,"na sabi ko na lang sa kanya.


" But you know what? I think he likes you, the way he's looking at you, kakaiba e."aniya.


" Hibang ka ba?"natatawang tanong ko sa kanya.


" Ayiee, umasa."nang aasar na sabi niya, inirapan ko siya. Mahinang tumawa naman ito.



" No, sabagay hindi mo kasi nakikita e. Pero, malay mo. A, basta. Huwag muna tayong mag-assume."magulong sabi niya, hindi na ako nagsalita. Pinapagulo niya lang ang sitwasyon.



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now