46

109 5 0
                                    

Chapter 46

   Kanina pa namamawis ang parehas kong palad, it's our turn. Nagsimula ng ipakilala ni Seb ang grupo namin. Nakaayos na ang props na gagamitin namin. Kinakabahan ako!

"Kinakabahan ako," sabi ni Rachel sa akin.

"Ako din naman," sagot ko.


Nasa likod kami nang isang kurtina. Dito kami magbibihis kapag kailangan naming magpalit. Ang ibang props ay narito rin, nakatago para hindi nakakalat.

"Be ready guys,"

Tinipon kami ni Seb para magdasal bago mag umpisa. Pagkatapos ng dasal ay nagsimula na sila, dahil hindi pa namin scene ay nanatili kami sa likuran ng kurtina. Kanina pa rin kami nagpalit ng damit.


"Girls, be ready!" paalala ni Marie sa amin, mabilis naman kaming naghanda ni Rachel, magkasama kami sa isang scene.


"Kayo na," hinihingal na sabi ni Gerald.


"Gagi," bulong ni Rachel bago lumabas, agad naman akong sumunod sa kanya.

Kaonti lang naman kami sa klase kaya kahit papaano ay hindi ako kinakabahan masyado.  Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago sabihin ang script ko.

Kaya mo 'to, Amarine Jade.

Saktong sampung minuto ng matapos ang role play namin. Isang palakpakan ang narinig namin mula sa mga kaklase namin, pati si prof ay pumapalakpak din.


"Thankyou po!!" sabay sabay naming sabi habang malaki ang ngiti sa mga labi.


"Congrats guys!" hinihingal na sabi ni Rachel sa amin.


"Worth it lahat ng paghihirap natin sa practice," sabi ko sa kanila, sinamaan ko ng tingin si Marvin ng guluhin niya ang buhok ko.


"Dapat ay mas marami kang scene, ang galing mong umarte kanina!" nagsipag sang ayunan naman sila sa sinabi ni Marvin. Kahit kailan talaga 'to.


"Totoo 'yan, akala mo ay hindi si Aj ang nagsasalita kanina!"


Nag-init ang pisngi ko dahil sa mga sinasabi nila. Samantalang pare-parehas lang naman kaming magagaling.

"Lahat tayo magaling," sabi ko sa kanila.


"Sus, pa humble."sabi ni Rachel sa akin, nginiwian ko na lang siya.


Bumalik na kami sa upuan, huling grupo na ang mag-pe-perform sa harap. Hindi pa kami nakakapag palit ng damit dahil kailangan namin magmadali.


" Ayos ka lang ba?"nilingon ko si Rachel ng tanungin niya sa akin iyon.


" Ha? Oo naman,"nagtatakang tanong ko sa kanya.


" You're not, ang lalim ng iniisip mo."aniya.


" Hindi a!"deny ko.


" Sige, sabi mo e."kibit balikat na sabi nito.


Bigla ko na naman tuloy naalala 'yong nangyari kagabi. Walang nababanggit si Andres sa akin na pupunta siya sa Spain, alam ko naman ang dahilan pero...hindi niya ba pwedeng sabihin iyon sa akin? I mean, I'm his girl right? Spain iyon, kailangan ko rin naman malaman kung saan o ano ang ginagawa niya.

Wala kaming last class kaya naman nag decide ang grupo na mag celebrate. Dahil mayayaman naman sila ay sila ang nanlibre. Masarap rin pa lang mag-aral sa university lalo na kapag may mga kaibigan kang mayayaman, nakakalibre ka palagi.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now