23

131 6 0
                                    

Chapter 23

   Ilang beses ko nang binabasa ang librong nasa harapan ko pero wala akong maintindihan. Inis kong sinara ito saka tinabi. Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumabas ng kwarto. Ala una na ng madaling araw, ang pasok ko ay alas sais ng umaga. Hindi pa ako dinadalaw ng antok at wala pa ring pumapasok sa isipan ko. Prelims na namin mamaya pero hindi ko magawang makapag focus!

Madilim na sala ang sumalubong sa akin ng makalabas ako ng kwarto. Tingin ko ay tulog na ang dalawa, dahil ang alam ko ay prelims na rin nila. Tahimik akong naglakad papunta sa kusina para maghanap ng makakain. Inilapag ko ang cellphone ko sa counter bago buksan ang ref, napangiti ako ng may makita akong tinapay doon.


Nagtimpla rin ako ng gatas para makatulog ako mamaya. Pagkatapos kong asikasuhin ang pagkain ko ay umupo ako sa mataas na upuan. Sinulyapan ko ang cellphone ko ng umilaw ito, agad kong kinuha ito ng makita ko ang pangalan ni Andres doon.


"Can't sleep." napangiti ako dahil text niya. Kinagat ko ang tinapay habang nagtitipa ng message sa kanya.


"Then sleep." kagat tinapay na reply ko.


"Why you're still awake?" pagkabasa ko ng message niya ay bigla na lang itong tumawag. Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko. Tumikhim ako ng mahina bago sagutin ang tawag niya.


"It's already one, why you still awake?" agad na tanong niya. Kahit ang boses niya sa cellphone ay ang gwapo!

"I can't sleep," mahinang sagot ko. Ito ang unang beses na tumawag siya sa akin.


"Why?"medyo husky na tanong niya. Tingin ko ay nakahiga ito sa kama niya.


" Nag-re-review ako for Prelims. "sagot ko.


" Don't pressure yourself, Jade. "napangiti ako dahil sa sinabi niya.


" Hindi naman, nagbabasa lang ako para may matandaan ako."


"You can do it." simple lang naman ang pagkakasabi niya pero gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang tuwang nararamdaman ko.


"Ihahatid kita tomorrow, sleep now, Jade. Goodnight."


"Goodnight," nakangiti kong binaba ang cellphone kong hawak. Niligpit ko ang mga ginamit ko at hinugasan ang pinagkainan, hindi matanggap ang ngiti sa labi ko ng makabalik na ako sa kwarto.


Pakiramdam ko ay maipapasa ko ang prelims bukas. Umayos ako nang higa saka inalala ang nangyari kanina, I giggled when I still hearing his voice inside my ears. Ang sarap pakinggan ng boses niya!


Kinabukasan ay maaga akong nagising, may ngiti na agad na nakaguhit sa aking mga labi ng tignan ko ang sarili sa salamin. Kahit ilang oras lang ang tulog ko ay hindi iyon naging hadlang para gumanda ang gising ko. Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.


"Ang ganda nang gising a, may date na naman kayo?" ngumiwi ako sa sinabi ni Ade sa akin, mamayang hapon pa ang pasok niya kaya naman hindi pa siya nakaayos.


"Maaga lang akong natulog," pagsisinungaling ko.


"Sus, maaga daw," pang-aasar niya.


"Baka maagang susunduin,"  sabi naman ni Alfred.


"Dami nyong hanash,"


Sabay sabay kaming tumingin sa pinto ng marinig namin ang tunog ng doorbell, inangatan ko sila ng kilay ng sabay silang tumingin sa akin.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now