39

123 4 0
                                    

Chapter 39

  
   Saktong alas diyes ng umaga ng magising ako. Pag-upo ko ay ang siyang pag bukas ng pinto, tinignan ko si Ade na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Ano?" inaantok na tanong ko sa kanya.


"Gala tayo, sama natin si Tasha. 'Di ba iyon ang regalo natin sa kanya," ang ganda ng bungad niya sa akin sa umaga. Hindi man lang bumati.

"Sige,"inaantok na sabi ko.

"Kumilos ka na diyan, mamaya pupunta 'yong mag kapatid dito,"

"Oo na,"

Saka lang ako tumayo ng lumabas na siya ng kwarto. Ano namang gagawin nila dito? Ang aga naman nilang dumalaw. Naglakad na ako papunta sa cr, mamaya na lang ako maliligo. Pagkatapos kong maghilamos ay pinusod ko na lang ang buhok ko.


"Good morning," bati ni Alfred sa akin ng lumabas ako ng kwarto. Ngumiti ako sa kanya. "Good morning, din. Akala ko ay umuwi ka?"


"Umuwi nga ako, may kinuha lang ako dito. Babalik din ako mamaya,"


"Anong oras?" tanong ko, pwede naman sigurong mag sabay kami mamaya.


"Mga alas tres pa naman, bakit?" o hindi? Umiling na lang ako sa kanya saka dumiretso sa kusina, tumabi ako ng upo kay Adelaida.

"Ano iyan?" tanong ko habang nakaturo sa pagkain niya.


"Lason," mahinang siniko ko siya. "Epal ka na naman?"


"Nagtatanong ka 'di ba? Sinagot ko lang," irap matang sabi nito sa akin. Bakit ba badmood siya?

"Lakas a, hindi pa rin ba tapos red days mo?"


"Shut up."inis na sabi nito, natawa ako. Mukang hindi pa nga.


Tumingin ako kay Alfred na umupo sa harapan namin, agad itong ngumisi kay Adelaida, mukang siya ang dahilan ng pagkabadtrip nito.


"Anyare?" tanong ko sa kanila.


"Parang tanga kasi iyan, tatawag ba naman ng alas dos ng madaling araw para buksan ang pinto. Nakalimutan niya daw 'yong susi, naistorbo ako sa pagtulog." inis na sabi ni Ade sa akin habang nakaturo kay Alfred, mahina naman akong natawa.


"Sorry na," natatawang sabi ni Alfred sa kanya, inirapan lang siya ni Ade.


"Nandiyan na ata bebe mo," sabi ni Alfred sa akin ng tumunog ang door bell, ngumisi ako sa kanya bago tumayo.


Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Tasha, agad hinanap ng mata ko si Andres. Akala ko ba dalawa sila? Nasaan siya?


"Nag jog," sabi ni Tasha sa akin, ngumiti ako sa kanya sabay kamot ng ulo. Sana marunong siyang mag-aya!


Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya, dumiretso ito sa kusina. Maayos kong sinara ang pinto bago sundan si Tasha.


"Akala ko ba ay may gala tayo? Bakit hindi pa kayo nakabihis?" tanong ni Tasha sa amin, ngayon ko lang napansin na nakaayos na siya.

"Ang aga a," sabi ni Ade sa kanya.


"Mas maaga mas mahaba ang oras." sabi nito, umupo ito sa tabi ni Ade.


"Maliligo na muna ako," tumango lang sila sa akin kaya naglakad na ako papunta sa kwarto. Dumiretso ako sa closet ko para maghanap ng susuotin, saan naman kami pupunta? Hindi ko tuloy alam kung anong susuotin ko.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें