48

132 7 0
                                    

Chapter 48

Hindi ko alam kung bakit sobra ang kabang nararamdaman ko nang makapasok ako sa mansyon nila. Agad dumapo ang tingin ko kay Andres na nakaupo sa sofa, nag-angat ito ng tingin at agad na nagtama ang paningin namin. Kita ko ang pagod at lungkot sa kanyang mga mata, gusto ko siyang lapitan. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Kristina," sabi ni tita amy ng makita kami, tumagos ang tingin nito sa likuran ni mama, nakatayo doon si papa habang hindi alam kung ngingiti ba siya o hindi.

"A, madam. Siya nga po pala si Alfredo, ang ama ni Aj," naramdaman ko ang pagtingin ni Andres kaya tinignan ko siya, kumunot ang noo nito sa akin. Sinulyapan niya si papa sa likuran.

"Magandang gabi," sabi ni papa sa kanila.

"O? Mabuti naman at nagkaayos na kayo," ngiting sabi ni tita Amy, pero ang ngiting pinakita niya ay hindi umabot sa kanyang mata.

May problema e, ramdam ko sa mga itsura nila!

"Mabuti nga po,"

Wala si Tasha pati si tito Andrew. Bakit silang dalawa lang? Nasaan ang dalawa?

"Aalis ka na ba?" may halong lungkot na tanong ni tita Amy kay mama, tinignan ko si mama na ngayon ay nagsisimula ng manubig ang mata. Ilang taon na bang nagtatrabaho si mama sa kanila? Tingin ko ay matagal na.

"Pasensya ka na madam at sa ganitong sitwasyon ko pa sinabi sa inyo."


"Wala iyon, Kristina. Matagal mo nang sinabi sa akin ang tungkol dito, 'di ba? Kaya naintindihan ko."


"Hindi ko po makakalimutan ang malaking tulong nyo sa aming dalawa ni Aj," sabi ni mama, ngumiti ako kay tita. Naglakad ito palapit sa akin saka niyakap ako, hindi agad ako nakapag react, nagulat ako!


"He's really inlove to you, Aj. But please, please understand him for now." mahinang sabi ni tita sa akin.

Hindi ko maintindihan, ano'ng gusto niyang iparating?


She tapped my back.


"Start to pack your things,"sabi ni tita Amy sa amin.


" Aj, tignan mo doon sa taas kung may naiwan ka pang gamit doon,"sabi ni mama sa akin.


" Opo, "sambit ko.


Nagpaalam si tita Amy na aakyat na muna sa kwarto nila, sila mama naman ay dumiretso na sa kwartong tinutuluyan namin.


Tumayo si Andres, naglakad ito palapit sa akin at bigla akong niyakap, hindi ko alam na may tumulong luha na mula sa aking mata. Namiss ko siya, sobrang miss ko siya!


"I'm sorry."tipid akong ngumiti, marahan kong hinaplos ang kanyang likuran, masyadong mabigat ang kanyang paghinga.


" What happened?"mahinang tanong ko.


"He's gone, Aj. My grandpa is already gone."nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, ilang segundo lang ay may hikbi na akong narinig mula sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.


" It's hurt, it's fucking hurt!"daing nito, nanatili akong tahimik. Pinakikinggan siya.


" He left me, iniwan niya na ako. Masyado siyang madaya!"pagpapatuloy nito, patuloy lang din ang marahang paghaplos ko sa kanyang likuran.


" Everything happens for a reason, Andres."mahinang sabi ko.


Humiwalay ito sa akin, masyado ng pagod ang mga mata niya. Mukang hindi pa siya nakakapagpahinga. Kawawa naman ang boyfriend ko. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at pinunasan ang kanyang pisngi, pinikit nito ang kanyang mata dahilan para bumilis ang tibok ng dibdib ko.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now