62

211 10 1
                                    

Chapter 62

  I placed my hand into my chin while scrolling on my phone. It's already 3 in the morning. Wala pa akong tulog, hindi ko alam kung bakit hindi ako dinadalaw ng antok.

Sinilip ko si Andres na ngayon ay tulog na, kakauwi niya lang galing sa site, sa isang project niya. Isang buwan na akong nananatili dito sa resort at isang buwan na rin siyang narito. He's staying in my room, alam naman nila papa na ayos na kami.

Kinuha ko ang jacket ko at walang ingay na lumabas ng kwarto. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Naglakad ako papunta sa opisina. It's already renovated, ang café na katabi nito ay tapos na din. Next week ay bubuksan na ito dahil inaasikaso ko pa ang mga menus at kailangan ng café. Wala pa ring akong mga tauhan but Andres help me to find some staff for my café.

Nakangiti ako nang makapasok ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw at inikot ang paningin dito. Maayos na nakaayos ang mga upuan at mesa, meron sa gitna, sa bawat gilid pati na rin sa harapan. Wala pang nakasulat sa itaas dahil hindi pa ako sigurado sa mga menus na ilalagay ko. Hindi ko naasikaso dahil ang dami kong kailangan na gawin at pirmahan.

Naglakad ako palapit sa bookshelves, all the books are brand new and sealed. Ang lagayan ng libro ay hindi kataasan. This place is for the people who loves to read a books. Habang nakaupo ka sa carpet na pinalilibutan ng mga unan ay makikita mo rin ang magandang view ng karagatan. It's so relaxing, your mind will be at peace.

Nang matapos ay maayos kong sinara ito, mamaya ay ibabalik na ang mga gamit sa opisina. Mag uumpisa na ulit ako na magtrabaho dito, nakakatamad din kasi sa kwarto. Wala kang makikita kun'di pader unlike sa mismong opisina na makikita mo ang payapang hampas ng alon.

Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang lamig pabalik sa kwarto. Wala na akong nakikitang tao na malamang ay nagpapahinga na.


Pagpasok ko sa loob ay agad kong tinanggal ang jacket ko, kung anong pwesto niya kanina ng umalis ako ay ganoon pa rin ngayon. Hindi siya malikot matulog, ako ang mas malikot na matulog sa aming dalawa.


Pinatay ko ang ilaw at dahan dahang tumabi sa kanya, nakaharap siya sa akin kaya siniksik ko ang sarili ko sa kanya, napangiti ako ng gumalaw ito at hilahin pa ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang pag halik nito sa aking ulo.

Sa lumipas na isang buwan, madalas ay wala si Andres dito. Pero dito naman siya laging natutulog tuwing gabi, kailangan niya kasing maging hands on sa isang project nila. Naiintindihan ko naman dahil ang dami ko ring ginawa nakaraan. Sa loob ng isang buwan simula ng magkaayos kami ay walang nagbago sa pakikitungo niya maliban na lang sa minsan na wala na kaming oras sa isat isa.

Mas nadagdagan pa nga ang pagmamahal ko sa kanya.

Kinaumagahan ay nagising akong walang Andres sa tabi ko, ngumuso ako bago tumayo at maghilamos. Every morning ay lagi na lang siyang wala. Itinali ko na lang ang buhok ko, medyo humaba na ito kaya hindi na mahirap talian.


"Good morning," nakangiting sabi ng kakapasok lang na si Andres, bahagya pa akong nagulat. Bakit nandito siya? Hindi siya aalis?


"Hindi ka aalis?" tanong ko sa kanya, naglakad ito papunta sa akin saka saglit na dinampian ng halik ang labi ko. Ano ba 'yan, bitin!


"Nope," sagot nito.


"Himala," sambit ko, ngumisi siya sa akin.



"Wala kang pupuntahan?" muling tanong ko. Kumunot ang kanyang noo, "Why? You don't want me here?" mahina akong natawa saka niyakap siya.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now