30

110 6 3
                                    

Chapter 30

   Kanina pa kami nagtatawanan sa mesa, napagdesisyonan kasi nilang pagdikit-dikitin na lang ang mga mesa para magsama-sama sa iisang mesa. Masyadong mahaba ang mesa na nabuo, pero masaya naman dahil sa mga kwento nilang baon.

Katabi ko si Alfred habang nasa kaliwa ko naman si Rupert, siya ang pinakamaingay dahil sa mga kwento niya. Hindi ko nga alam kung paanong siya ang nakatabi ko. He talk about the girl who wrote a story and he is the leading man. Natuwa pa ako sa narinig ng malaman na ang storyang ginawa niya ay nakilala hanggang sa umabot kay Rupert.


"And there's more... my manager wants me to meet her. Gaganaping movie ang sinusulat niya and she's the female lead character but, she didn't know about the plan." dugtong nito.


"Really? Who's the male lead?" tanong ni Tasha sa kanya, nasa harapan namin ito. Magkatabi silang dalawa ni Andres, pasimple kong tinignan si Andres na katabi ngayon si Sharmaine. Simula kanina ay hindi na sila naghiwalay.


Sana all.


Umayos ng upo si Rupert at nagmamayabang na tinuro ang sarili, dahil sa ginawa niya ay binato siya ng mga chips ng mga kasamahan namin, nadamay pa ako dahil nga katabi ko siya. Nakangisi naman ang mga pinsan niya sa kanya, halata naman sa kanila na proud sila kay Rupert.


"You're having a new movie again?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tasha sa kanya.


"Yeah, of course." sabi ni Rupert sa kanya.



"Grabe, hindi ko na maabot ang pinsan ko," nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Tasha.


"Kalma, tash. You're still my favorite girl," sabi ni Rupert sabay kindat sa kanya, ngumiwi si Tasha.



"You better replace me, Rup. Do you have a picture of that writer? Can I see?" tanong ni Tasha.


Nilabas ni Rupert ang cellphone niya at pinakita ang picture sa amin, the girl is indeed beautiful. She has a talent when it comes to writing, huh.


"She's pretty, man." sabi ni Taitus sa kanya.


"She is," proud na sabi ni Rupert.



Patuloy ang pagdating ng alak sa mesa, nakakadalawang bote pa lang ako. Hindi ko binibigla ang sarili ko dahil mahaba ang gabi ngayon, I need to enjoy this night. Kaso, nasa ibang babae siya...paano ako makakapag-enjoy?



" Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina ka pa nakabulagta," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rupert sa akin. Even though he's an actor, hindi niya ipaparamdam sa'yo kung ano siya. He will make you comfortable when you're with him. Magaling siyang makisama.


" What?"takang tanong ko sa kanya.


Nabigla ako ng ilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga, what the heck?


" He's jealous. Bakit hindi kayo mag katabi?"bulong nito.


Tumungga ako sa bote na hawak ko. Naunahan ako ng babaeng katabi niya, gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya.


" Wala naman, "sagot ko.



" I never seen him like that, Aj. You're the first one,"aniya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.


"I can't understand."sabi ko.



" You will when he's already mad at you." tinapunan ko siya ng sama ng tingin, mahinang tumawa ito. Aksidenteng dumapo ang tingin ko kay Andres. Pinagsisihan kong sana ay hindi na lang ako tumingin sa kanya, bakit ang sama ng tingin niya sa akin? Ano'ng ginawa ko sa kanya?



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα