14

134 9 0
                                    

Chapter 14

   Nagising ako sa ingay ng alarm ni Ade, agad kong pinatay ito. Unti unti kong minulat ang parehas kong mga mata, agad tumama sa akin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Inalis ko ang pagkakadantay ng paa ni Adelaida sa akin, masyadong mabigat ang hita niya.

"Anong oras na?" napatingin ako kay Ade ng mag salita ito.

Tinignan ko ang alarm na nasa bed side table. It's already 11 am in the morning. Tanghali na pala.

"11 na," sambit ko.

"Ang aga pa," aniya, umayos ito ng higa at binalot ng kumot ang buo niyang katawan. Dahil inaantok pa ako ay gumaya na rin ako sa kanya.

Ala una na nang tanghali nang muli kaming magising, ramdam ko na ang gutom. Tinanggal ko ang kumot sa mukha ni Ade at pwersahang ginising ito.

"Ano ba!" reklamo nito.

"Tanghali na!" sabi ko sa kanya. "Nagugutom na ako, Ade. Kumain na tayo," inalog alog ko siya. Inis niyang tinanggal ang kamay ko sa kanya.

"Edi kumain ka!" muli niyang binalik ang kumot sa kanyang katawan. Napabuga na lang ako sa hangin saka tumayo. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng damit bago dumiretso sa cr para maligo.

Alas tres na nang madaling araw ng matulog kami. Nawili kami sa series na pinapanood namin, hindi namin namalayan ang oras.

"Ah, refreshing,"

Pagkatapos kong maligo ay nakahiga pa rin si Ade, pinapatuyo ko nang twalya ang buhok ko. Ngayon lang ata ako ang naunang magising sa kanya. Mukang napuyat talaga siya.

Naglakad ako palapit sa kama saka umupo, hinablot ko ang kumot na nakabalot sa kanya. Halata na agad ang inis sa itsura nito.

"Istorbo ka, Aj!" sigaw na sabi nito sa akin.

"Gumising ka na diyan, anong oras na. Pupunta pa tayo sa condo mo 'di ba?" ngumiwi ito sa akin at padabog na umupo. Natawa ako ng mahina ng makita ang magulo niyang buhok.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" masungit na tanong nito sa akin, umiling ako saka tumayo. "Wala, kumilos ka na. Baka hanapin na ako ni mama," inismiran ako nito bago tumayo at maglakad papunta sa cr.

Naglakad ako papunta sa vanity mirror niya. Marami akong  make up at tints na nakita doon. She really loves make-up. This is her style. Kaya sa tuwing may okasyon kami na pupuntahan ay siya lagi ang nag-aayos sa akin.

Pagkatapos niyang asikasuhin ang sarili niya ay bumaba na kami para kumain, naabutan namin sila tito na nanonood sa sala.

"Magandang tanghali po," sambit ko.

"Tinanghali kayo ng gising, kumain na kayo. May nakahanda ng pagkain doon."sabi ni tito sa amin, tinignan ko si Ade na hindi man lang nagsalita. Nag-umpisa na itong maglakad papunta sa dining area. Nginitian ko nang alanganin si tito bago sundan ang pinsan kong nagmamaktol na naman.

Tumabi ako ng upo sa kanya, agad kaming pinagsilbihan ng kasambahay nila.

"Salamat po," sabi ko ng ibigay niya sa akin ang pinggan.

"Oh," inabot ko ang isang pinggan kay Ade, hindi man lang siya umiimik.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala, inaantok pa ako," napangiwi ako sa sinabi niya.

"Kumain na tayo,"

Adobong manok at pakbet ang nakahain sa mesa. May isang tupperware ng leche flan para sa dessert. Tig-isang baso ng orange juice naman ang para sa inumin.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now