22

135 6 0
                                    

Chapter 22

     Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ba ang ginawa ko. Alas sais na nang gabi, alas syete ako susunduin ni Andres dito, iyon ang sabi niya sa akin.

"Ano bang problema mo diyan?" nagtatakang tanong ni Ade sa akin, nandito siya ngayon sa kwarto ko tinutulungan akong mag ayos.


"Huwag na lang kaya akong sumama? Pwede naman siguro iyon," sabi ko sa kanya, nakatikim ako ng mahinang hampas mula sa kanya.


"Gaga, nagsabi ka na sa kanya e,"



"Hindi naman ako pumayag, basta sinabi niya ay sasama daw ako."nakangusong sabi ko sa kanya.

" Bakit? Nahihiya ka?"


Marahan akong tumango sa kanya. Hindi ako belong sa mga katulad nila, masyado silang matataas. Bakit ba kasi dinadamay niya ako sa ganito?

" Eh kasi---


"Isinama ka nya, Aj. Huwag kang mema diyan. Mabuti sana kung pinagpipilitan mo 'yong sarili mo sa kanya, 'di ba? E, hindi e. Parang siya pa nga 'yong pinagsisiksikan 'yong sarili sa'yo e. Ganda mo a," inirapan ko siya ng ngumisi siya sa akin. Wala talagang kwenta ang lumalabas sa bibig niya.


" Ewan ko sa'yo, "


" Nagpaalam ka ba kay tita?"tanong nito, tumango ako." Oo, pumayag naman siya. Didiretso ako sa mansyon mamaya kaya huwag mo na akong hintayin, "


" Wala naman akong balak na antayin ka. Ano ka chicks?" hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at tinignan ang sarili sa malaking salamin. Nakasuot ako ng off shoulder yellow dress, hindi naman ganoon kaikli, sakto lang ang haba niya. Pinahiram ako ni Ade ng puting sapatos na babagay sa dress na suot ko. Hindi ako marunong magsuot ng heels, baka hindi lang ako ang mapahiya kung sakaling matisod ako habang naglalakad.


"Bagay sa'yo, huwag kang mag-alala." sabi ni Ade sa likuran ko.


"Kinakabahan ako,"


"Natural lang iyan, pero alam ko naman na makukuha mo ang loob nila besides, Andres is there...hindi ka naman niya hahayaan doon," aniya, ngumiti pa siya ng tipid sa akin.


"Makikita mo 'yong pinsan niyang artista," sabi nito.



"Meron?" takang tanong ko, kaya pala no'ng una silang magkita ni Rachel ay may binanggit  itong pangalan. Hindi ko matandaan kung ano iyon.

"Oo, sobrang sikat 'yon, hindi mo kilala?"


Umiling ako, "Hindi,"


"Baka pagpalit mo si Andres doon?" tinignan ko siya ng masama kaya mahina siyang natawa.


"Ang loyal mo naman," pang-aasar niya.


Nabigla ako ng ayusin niya ang dogtag na suot ko, nakalabas ito kaya naman kitang-kita. Matagal niya ng nakita sa akin ang dogtag na ito pero hindi niya ako tinanong. Gusto niya raw na ako mismo ang magsasabi sa kanya. Paano ko naman sasabihin sa kanya kung ganoong hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.


"Ipalandakan mong pagmamay-ari ka ni Andres."natatawa niyang sabi sa akin.


" Manahimik ka na nga,"kunyaring napipikon na sabi ko sa kanya.


Sabay kaming napatingin sa pintuan ng may kumatok doon, binuksan iyon ni Ade at bumungad si Alfred na nakangisi na sa akin.


" Sundo mo nariyan na, "nakangising sabi nito sa akin. Agad akong ginapangan ng kaba dahil sa sinabi niya. Masyado naman ata siyang maaga!


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now