51

128 7 1
                                    

Chapter 51

   Tatlong taon na ang lumipas simula nang umalis sila. I miss him, so much. Gaya ng sinabi niya ay wala akong natanggap na kahit anong message mula sa kanila. I always check his personal accounts pero wala namang bago doon. He's a private person kaya naman wala kang makikita sa mga accounts niya.

"Aj!" sigaw ni Ade mula sa labas.


Tumayo na ako saka nag-asikaso ng sarili, weekends ngayon pero mamaya pa ako uuwi sa  bahay. May research kasi ako na kailangang tapusin dahil defense na namin sa lunes. Hindi ko pa masyadong na-a-aral ang research namin!


"Where's fur?" tanong ko kay Ade ng makalabas ako ng kwarto, nginuso nito kung nasaan si Fur, gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita si Fur kasama si Boo, fur's husband.

"May lumabas ng isa," sabi ni Ade sa akin, nanlaki ang mata ko at naglakad palapit kay Fur, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang una niyang baby.

"Ang cute!" gigil na sabi ko.


"Ilan kaya anak niyan?" tanong ni Alfred sa akin, ngumiwi ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala, reserve na ang isa sa'yo." sabi ko, mahina naman siyang natawa.

"Goods iyan,"

Halos lahat sila ay humihingi ng anak ni Fur, hindi ko pa naman alam kung ilan ang magiging anak niya, sana ay madami. Ganon naman manganak ang mga aso 'di ba? Madami.


"Try to pet her," sabi ni Ade sa akin.


"Hindi kaya mangagat?" tanong ko, baka kasi mangagat siya e, nanganganak kaya siya.


"Hindi no, amo ka niyan, Aj."


Dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ulo niya, napangiti ako ng hindi man lang ito nag react. Hinawakan ko si boo na nasa harapan ko, himala at hindi siya maingay ngayon a.


"You can do this, fur." mahinang sabi ko sa kanya, tatlong puppies na ang lumabas at tingin ko ay meron pa.

"Hala, ang kyut!"


"Huwag kang maingay, Ade!" saway ko sa kanya.


"Ayy, baket?" Hindi ko na lang siya pinansin, mas maganda pang pagtuunan ng pansin ang asong nasa harapan ko.


"Omo, lima anak niya!" sambit ko sa kanila.


"Akin isa!" sabi ni Ade, agad akong ngumiwi sa kanya. "Hindi ka naman marunong mag-alaga!" sabi ko sa kanya.

"Anak namin ni Kian, ba't ba?" ismid na tanong nito sa akin.

"Ayy, broke si Kian?" tanong ni Alfred sa kanya, mahina akong natawa ng makita ang pikon na itsura ni Ade, binato ni Ade ang unan kay Alfred na muntikan ng tumama kay fur kaya tinaliman ko siya ng tingin.


"Basta akin isa," aniya sabay tayo, naglakad ito papunta sa kusina.

Inasikaso ko si fur, nilipat ko sila sa mas komportableng pwesto. Ang mahal ng bili ko sa hinihigaan nila ngayon a dapat lang na dito sila ilagay. Maayos na nilagay ko ang mga puppies niya para makadede sa kanya, napangiti ako ng lapitan ni Boo si Fur. Ang sweet lang.


"Kanino mo ibibigay ang mga iyan?" tanong ni Ade sa akin, tumabi ako ng upo sa kanya. Katatapos lang magluto ni Alfred pero hindi ko alam kung nasaan na naman siya. Lagi na lang kasi siyang umaalis kahit na weekend.


"Dalawa ang ipamimigay ko," sabi ko sa kanya.


"Kanino nga?" ulit na tanong nito.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now