58

135 9 4
                                    

Chapter 58

   Kinapa ko ang kumot sa tabi ko at tinalukbong ito sa buong katawan ko. Natigilan ako at agad na minulat ang mata, tinanggal ko ang kumot sa mukha ko at agad na inikot ang paningin ko.

Where am I?


Napahinga ako ng maluwag ng makita sa tabi ko si Adelaida, nakadantay ang paa nito sa akin kaya dahan dahan kong tinanggal ito. Pati sila Tasha ay narito rin, ano'ng nangyari kagabi? Wala akong maalala, kaya ayokong nalalasing e. Wala akong maalala!


Napahawak ako sa ulo ko habang inaalala ang nangyari kagabi, mabilis kong kinapa ang leeg ko. Wala 'yong kwintas! Kinapa ko rin ang bulsa ng pants na suot ko pero wala doon, pati 'yong singsing ay wala doon. Saan ko kaya nailapag iyon?


Nawala ako sa pag-iisip ng bigla na lang bumukas ang pinto, agad na ngumiti si Tricia sa akin ng makita ako. May hawak itong tasa.


Wait... ibig sabihin ay nandito na si Andres? Totoong nandito na siya?!


"Good morning," bati ni Tricia sa akin, sumimangot ako. Ano'ng oras na ba?


"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. "It's already 11," aniya.


"Morning pa nga," sambit ko, narinig ko ang pagtawa nito.


Napatingin ako kay Ade ng biglaang gumalaw ito, napabuga na lang ako sa hangin ng muling dumantay ang paa niya sa akin, muli ko itong tinanggal.


"May nakahanda ng pagkain sa mesa, tulog pa rin ang mga lalaki. Gusto mong timplahan kita ng gatas?" tanong ni Tricia sa akin, mukang siya lang ang matino kagabi.


Umiling ako sa kanya. "Hindi na, ako na." sabi ko sa kanya. Tumayo ako at inunat ang dalawang kamay, nakaramdam ako ng kirot sa ulo ng tumayo ako. Damn, hangover! Isa sa mga ayaw ko.


"Ahm, sige." sabi nito.


Dumiretso ako sa cr ng makalabas ako ng kwarto, tahimik pa sa sala. Mukang tulog pa nga sila. Naghilamos lang ako saka tinali ang buhok, dumiretso sa dining. May mga pagkain na ngang nakahanda doon.


Nagtimpla na muna ako ng hot choco saka umupo sa mesa, agad 'kong naramdaman ang gutom ng maamoy ko ang pagkain na nasa mesa. Marami naman ito, kung kakain ako ng medyo marami ay hindi naman siguro sila kukulangin.


Tahimik akong kumakain ng marinig ko ang pag tunog ng doorbell, kumunot ang noo ko. Sino ang kumakatok? Istorbo sa pagkain ko a! Kumuha ako ng isang slice ng tinapay saka tumayo para pagbuksan ng pinto ang nasa labas. Gusto kong isara ang pinto ng malaman kung sino ang nasa labas.


Hindi nga ako nananaginip, Andres is really here!



"Good morning, Aj!" sabi ng nakangiting si Sharmaine, ang aga aga at kirot ang nararamdaman ko. Mukang hindi sila dito natulog, kung sabagay ay ikakasal na sila kaya obvious naman na magkatabi silang matutulog.


"Pasok," sambit ko. Niluwagan ko ang pinto para makapasok sila, pinikit ko ang mata ko ng malanghap ko ang pamilyar na amoy ni Andres. Hindi pa rin siya nagpapalit ng pabango niya! Ang bango niya pa rin!


Maayos kong sinara ang pinto nagdadalawang isip kung susundan ba sila o lalabas ako. Bakit nga ba ako tumatakas? Ang pagkakaalam ko ay wala naman akong masamang ginagawa.


"Ang aga naman ng date nyo," nakaupo na si Aivan sa sofa habang magulo ang buhok, ngumisi ito sa akin ng magtama ang mata namin. Inirapan ko siya saka dumiretso sa dining para ipagpatuloy ang kinakain ko. Bigla ay nawalan ako ng gana, kasi naman e! Masyado pang maaga para mang inis sila.



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz