Chapter 1

413K 4.4K 124
                                    

Chapter One

ELLE
Limang taon na ang nakalipas nang iwan niya ako sa altar. At pagkatapos 'nun? Masaya ako. Mas sumaya ako actually. Maganda ang takbo ng business na pinatayo ko. Ang daming customer na bumibili ng mga items ko, design ko ang mga ginamit ko at in-innovate ko once may something bago at need ko isabay sa trend dahil once na may business ka you have to be 'in' sa mga kinalolokohan ng mga tao, especially mga teens.

Nandito ako ngayon sa office ko at nag-aayos ng sales namin nang mag-ring ang cellphone ko. Napatingin naman ako sa callers ID at nakita kong si Mommy ang tumatawag.

Bakit kaya napatawag si Mommy?

Agad ko namang pinindot ang accept button.

"Hello mom , bakit --- " sagot ko sa kanya.

"Umuwi ka. . .ngayon din." seryosong sabi naman ni Mommy.

Huh?

Ano bang meron? Magsasalita pa sana ako nang mawala na si Mommy sa kabilang linya. Lumingon muna ako sa mga team ko para ipagbilin sana 'tong office.

"Everybody, I'll be leaving early today. Please do your assigned task before going home, okay?" paalam ko sa kanila, tumango naman sila hudyat na pwede na akong umalis.

Habang nagbabyahe ako iniisip ko kung bakit ako pinapauwi ni Mommy. Nag-aalala tuloy ako baka may nangyari ng masama bahay.

Wag naman sana.

Pagdating ko ng bahay ay agad kong pinarada ang kotse ko.

"Hey mom." bungad ko sa kaniya pagpasok ko.

"Uuwi na kayo ng Pilipinas." seryoso saad niya.

Oh Pilipinas...Oh wait??? Sh*t!

Dahan dahan namang nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko iyong sinabi ni Mommy. Pilipinas? Pinas? Philippines? As in? For real?

"What?! Mommy naman, kontento na ang buhay ko dito. Okay naman tayo dito, tahimik at masaya na rin. Ayoko na magulo pa ako ng poncio pilato na nanira ng buhay ko." maktol ko naman sa kanya.

"Kailangan mo iyon, ni Sammy. Dapat maispasyal mo rin siya sa Pilipinas at dapat nga makilala niya na ang ama niya, madaldal na siya at marunong na siya magtanong-tanong. Nangungulit na rin siya ng mga bagay-bagay pag nagtataka siya." sagot naman ni Mommy.

Naglaglag naman ang balikat ko. Iyon na nga eh, 'yun ang iniiwasan ko. Ang pagkikita nila dahil kung pwede lang nga ayaw ko sana na magkakilala sana sila. Pero si Mommy mapilit dahil part daw siya ni Sammy at karapatan ni Sammy na makilala siya.

"Iyon na nga Mommy eh. Nandyan na rin naman si Will para maging tatay ni Sammy, bakit kailangan bumalik pa kami." pakikipagtalo ko sa kanya.

Ang kulit talaga ni Mommy.

"Hindi, tapos na ang usapang ito. Pupunta at pupunta kayo ng Pilipinas, mas mabuti ng malaman ni Sammy habang maaga dahil mas mahihirapan ka pagmalaki na siya saka mo siya ipapakilala." lumapit naman ito sa akin saka malumanay na nagsalita muli.

"Anak, alam mo naman na part na talaga siya ni Sammy, darating ang araw na hahanapin talaga siya ni Sammy. Kahit na si Will ang kikilalanin niya iba pa rin pagkilala mo ang totoo mong ama. " sabi nito sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy tinawagan ko agad si William.

Ayaw kong umuwi ng Pilipinas. Ayoko ! Hinding hindi !

"Hello, William ? Help." bungad ko sa kanya. Wala na dapat paligoy ligoy dahil 'yun naman talaga ang pakay ko sa kanya.

"Why ? May nangyari ba? " bakas ang pag-aalalang tanong ni Will. Masyado ng napamahal si Will sa family ko na halos ituring na rin niya itong kanya.

"Wag na tayong tumuloy sa Philippines, please." mangiyak ngiyak na sabi ko. If kailangan kong iyakan si William then gagawin ko talaga.

"I already told that to Tita but you know her, once she said it then it's final. Sorry, babe. But don't worry I won't leave your side." Pag-aassure naman nito sa akin na ikinangiti ko naman. William will always be the sweetest man I know.

'Hmm. Seriously, Elle ?' singit naman ng isip ko. I know Lance can be the sweetest person pero nawala na 'yun mula ng mapalitan ng galit ang pagmamahal na naramdaman ko sa kanya noon.

Totoo ang sabi ni Will na once na sinabi na ni Mommy talagang 'final' na at bawal na pigilan and isa rin sa naisip ko na hindi na rin kinulit ni Will dahil for sure nahihiya rin siya na kulitin pa si Mommy especially it's about Sammy. Whenever we have family problem hindi talaga nanghihimasok si William, it's our problem daw kaya hindi namang tama na mangingialam siya. He doesn't have rights daw pagdating sa mga dapat sino-solve namin privately.

Tuwing magsusumbong kasi ako sa kanya bout kay Mommy, hindi niya talaga ako kinakampihan sinasabi niya lang na maybe my mom was right and yes, Mommy is always right. Si Sammy lang naman ang spoiled kay Will eh.

Natapos ang call niya and told me that one week left before our flight.

Dumiretso lang ako sa kwarto ni Sammy at naabutan ko siya ng natutulog sa tabi.Binuhat ko naman siya saka tucked him in bed pero agad naman siyang nagising.

"Mamaii..."naantok niya pang sabi.

"Why Sammy ?" sagot ko naman sa kanya.

"Are you crying ? " sabi niya habang hinahawakan iyong pisngi ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya saka hinalikan.

"No. Masaya lang si Mommy kasi malaki ka na. Ang big big na ng baby ko." sabi ko sa kaniya sa siya pinugpog ng mga halik at mahigpit na niyakap.

"Hmm.. " tango niya saka dahan dahan ulit na pumikit hanggang sa makaidlip ulit.

Habang pinag mamasdan ko siya hindi ko maiwasang maalala si Lance sa kaniya.Naiinis ako dahil halos wala man lamang nakuha sa akin. Puro kay Lance , iyong mata, labi , iyong ilong kahit ang pagiging sweet..

Madilim na at nasa kwarto ako nang pumasok si Sammy.Lagi niyang ginagawa 'yan pagkagising niya pupuntahan niya ako at ikikiss.

"Good Evening Mamaii.. " malambing niyang sabi saka tumabi.

"Good Evening too My Sammy baby, gutom ka na ba? " tanong ko sa kanya.

"Hindi pa po, gusto ko pong maglaro, laro po tayo Mamaii. " nakangusong sabi niya na ikina-cute niya.

Sino pa ba ang tatangi sa kaniya, aba ! Wala 'no !

Naghabulan lang kami sa loob ng kwarto at hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa mukha niya pag maabutan ko siya. Ang cute cute talaga ng anak ko. May pagkalaman kasi siya dahil sagana talaga siya sa breastfeed mula nung ipanganak ko siya hanggang mag-two years old siya.

"I'm tired na Mamaii." hingal na sabi niya.

"Okay baby. Stop na si Mommy. " sabi ko saka umupo muna ako sa gilid ng kama at dahil sa kasweetan niya humiga siya sa lap ko..

"I love you Mamaii.." malambing niyang sabi. Isa sa pinakagusto kong ugali ni Sammy itong kasweetan niya. Feeling ko kahit lumaki man siya, siya at siya pa rin ang baby ko.

"I love you too baby.. " sabi ko sa ka niya at kiniss ang kamay niya. Gustong gusto ko talaga ang kamay ng anak ko ang soft kasi at maliit, baby pa nga talaga.

7 Days from now 'Bye Cali, Hello Philippines' na kami.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon