EPILOGUE

133 9 5
                                    

"Gusto kita, Shrynae." Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin.

Inaasahan ko na ito talaga ang mangyayari kapag umamin ako sa kanya. Normal lang naman na ganito ang magiging reaksyon niya dahil una sa lahat, hindi niya ako kilala. Alam kong siya 'yung tipo na tao na wala masyadong pakialam sa mga tao sa paligid niya.

"Shrynae, halika na!" Napatingin ako sa kaibigan ni Shrynae na si Meiza. Nagtataka siyang tumingin sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

"Oh, so you already confessed?" Tanong ni Meiza at tumango ako bilang tugon.

Alam na ni Meiza na may gusto ako kay Shrynae. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, basta lumapit nalang siya sa akin bigla at tinanong ako kung may gusto ba ako kay Shrynae. Siyempre, sinabi ko sa kanya ang totoo. Akala ko nga na sasabihin ni Meiza ang tungkol dun kay Shrynae, pero mukhang hindi niya ginawa.

"I honestly don't know you, so I don't think I can like you back." Mahina akong natawa nang umalis si Shrynae matapos niyang sabihin 'yun.

"Sorry about her. She's just like that, straight to the point." Meiza gave me an apologetic smile, saka siya sumunod kay Shrynae. Napabuntong-hininga nalang ako.

Pero hindi pa din ako susuko. Huling araw na namin ito as grade 8 students, pero may next school year pa naman. Sana nga ay maging kaklase ko siya para mas maging madali naman sa akin ang pangliligaw ko sa kanya.

"You should try eating an ice cream in seven eleven, the hurt will lessen." Tiningnan ko ang babae na bigla nalang nagsalita sa gilid ko. "I'm Renxy." Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya ipinakilala niya ang sarili niya.

"I'm Laune." Ngumiti siya sa akin.

Sinamahan ako ni Renxy na pumunta sa seven eleven at simula ng araw na 'yun ay naging malapit kami sa isa't isa. Palagi kaming nag-uusap sa messenger at sinasabi niya sa akin kung paano ko mapapasagot si Shrynae.

Pero lahat ng sinabi ni Renxy ay hindi ko nagawa dahil wala na si Shrynae. Mahigit dalawang buwan akong naghintay na magsimula ulit ang school year upang makita ulit si Shrynae, pero lumipat na pala siya sa ibang paaralan ayon pa kay Meiza.

"Saan siya lumipat?" Hindi ko alam kung bakit naghahabol ako ng sobra kay Shrynae.

Sa totoo lang, sinubukan ko siyang kalimutan pero hindi ko magawa. Parang may kung ano sa kanya na siyang dahilan kung bakit gustong-gusto ko siya. Minsan nga ay natatakot ako na baka isang araw magising nalang ako na mahal ko na siya. Pero malabo naman 'yun mangyari dahil bata pa naman kami at marami pa ang maaring mangyari.

"Hindi mo na kailangang malaman." Ang malapit na kaibigan ni Shrynae na si Meiza ay medyo malamig ang pakikitungo sa akin kaya hindi ako masyadong nakakapagtanong tungkol kay Shrynae.

Sinubukan kong hanapin si Shrynae pero sumuko din ako. Mas mahalaga ang pag-aaral ko. Kung kaming dalawa ang para sa isa't isa, paniguradong gagawa ng paraan ang tadhana para magkita ulit kaming dalawa.

"Basketball daw tayo mamaya," sabi ni Cain. Tiningnan ko si Hreugn na abala sa pagliligpit ng gamit niya. Tumango siya bilang pagsang-ayon kay Cain kaya napagdesisyunan ko na sumama din sa kanila.

"Ouch!" Napatigil kami sa paglalakad nang may mabangga si Hreugn pagkalabas namin ng classroom. Masamang tingin ang itinapon ng babaeng nakabangga ni Hreugn.

"Omg, it's you!" Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko na si Renxy pala ang nakabangga ni Hreugn.

"Renxy! Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Napunta ang atensyon ni Renxy kay Yeuna. Kaklase ko siya at sa totoo lang, parang nagugustuhan ko na siya. Mahigit limang buwan na simula noong nagsimula ang school year at napagtanto ko na parang unti-unti ko na siyang nagugustuhan.

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now